Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Bea, Shaina hindi umubra kay Toni

0 63

Sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Shaina Magdayao at Toni Gonzaga ang mga bida sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding,” na isang box office success noong 2013.

Sa nakaraang eleksyon, tulad ng pelikula, si Toni Gonzaga ang pinalabas noon na ‘black sheep’ dahil sa ginawa nitong pagkampanya kay BBM at sa isang senador na naging dahilan para maipasara ang pinagtrabahuhan niyang network na ABS-CBN.

Si Toni rin ang naging abala sa pagho-host sa campaign sorties ng UniTeam.

SM food to go Banner Ad

Sina Angel, Shaina at Bea naman ay maituturing na mga Kakampink .

Pero sa nangyaring amoy panalo na si BBM sa 2022 national elections, may kibitzers na nagsasabing hindi umubra ang pinagsamang powers nina Angel, Bea at Shaina para patumbahin si Toni.

Kumbaga, walang nagawa ang star power ng tatlo laban sa dating PBB host at vlogger.

Leave A Reply

Your email address will not be published.