Abante Tonite Interactive

Angel biktima ng sindikato sa credit card

422

Nabiktima ng cre­dit card syndicate si Angelica Pa­nganiban at ayon nga sa kanyang tweet, almost half million pesos na raw ang nagagastos ng taong gumagamit ng kanyang credit card.

“May gumagamit ng credit card ko sa pampanga. Malapit na siya umabot sa 500k. Walang magawa mga tap. Bat di kyo mag ipon para sa sarili ninyo? Bat kayo magnanakaw?” ang tweet ni Angelica.

Sa kanyang Instagram Stories naman ay ipinost niya ang transaction ng taong gumagamit ng kanyang credit card. Ang isa ay nagkakahalaga ng P103 thousand na ginagamit sana sa Royce Hotel Casino, ang isa naman ay nagkakahalaga ng P108 thousand. Ang isa naman ay nasa P51 thousand.
Good thing, nakalagay naman sa notification na declined ang kanyang cre­dit card for suspected fraud.

Isa pang post ni Ange­lica sa kanyang Instagram Story na pinag-uusapan ngayon ay ang video greetings niya ng “happy weeksary” kay Cholo Barretto kaya naman ang tanong ng lahat ay kung sila na ba talaga.

Sa video ay tila nasa isang bar sila ni Cholo at masaya niya itong binati ng “happy weeksary” sabay tawa.

Maging ang aktor ay tumatawa-tawa rin.

Kung pagbabasehan ang body language nila, wala naman kaming maramdaman or makitang sens­yales na magkarelasyon sila. Alam mo naman sa kilos pa lang kung magdyowa ang dalawang tao.

Pero kina Angelica at Cholo, more like parang magbarkada lang ang nakikita namin sa kanila.

Wala nga kaming makita kahit kaunting sweetness man lang sa kanila.
Besides, si Angelica ‘pag may dyowa, hindi siya ganyan kabulgar. Ang nakikita nga namin sa video, parang naglalaro lang ang dalawa at pinasasakay ang mga tao na may relasyon sila.

Maris malas sa love

Bagama’t hindi mas­yadong masuwerte ngayong taong ito sa kanyang love life dahil nga sa paghihiwalay nila ng landas ni Iñigo Pascual, blooming naman ang career ni Maris Racal.

May dalawa siyang pelikulang pagbibidahan, ang horror movie na “Block Z at “I’m Ellenya L” with Iñigo na parte ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bukod dito ay abala rin siya sa paggawa ng mga kanta para sa kanyang album at na-release na nga rin ang single niyang “Abot Langit”.

Si Maris din ang mapapanood nga­yong Sabado, Aug. 10 (pagkatapos ng “It’s Showtime”) sa episode ng “Ipaglaban Mo” titled ‘Kakampi’ kasama sina Mary Joy Apostol, Mark Neumann, Charlie Dizon, Pinky Amador and Rey “PJ” Abellana.

Ang kuwento kasi ng ‘Kakampi’ ay tungkol sa isang babae na si Maya na nakipaglaban sa guardianship para sa kanyang pinsang mentally disabled at inaabuso ng kanyang stepfamily.