Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel binuking si Regine sa Darna

0 159

NI:ARCHIE LIAO

Naitanong sa vlog ni Celeste Tuviera kung bakit walang takot si Angel Locsin sa paggawa ng buwis-buhay stunts sa kanyang mga teleserye noon.

Isa raw sa halimbawa nito ay ang pagsabit ni Angel sa isang umaandar na sasakyan.

Bilib daw kasi siya sa katapangan ng aktres dahil hindi ito nagpadobol sa kabila ng delikadong eksena.

Ani Angel, enjoy raw naman siya sa paggawa ng ganoong klaseng stunts na para sa kanya ay thrilling.

Proud din siya na bihira sa mga artistang babae ang nakakagawa ng mga maseselang eksena ng aksyon tulad ng ginagawa niya.

Gusto rin daw niyang ipakita na kung kaya ng mga lalake ang buwis-buhay stunts, kaya rin daw ito ng mga kababaihang artista.

Sa isang eksena naman na kailangan niyang tumalon nang patalikod sa bangin, kalkulado raw naman siyang ‘safe’ siya dahil marunong daw naman siyang lumangoy at hindi madidisgrasya sa tubig na babagsakan niya.

Gayunpaman, aniya, mabuti na lang daw at bulag ang kanyang tatay kaya hindi nito napapanood ang death-defying stunts niya dahil kung sakali, ito raw ang unang sasawata sa kanya.

Sa case naman ng Pinay superheroine character ni Mars Ravelo na ginampanan niya, nagbahagi siya ng trivia na hindi raw boses niya ang ginagamit kapag sumisigaw siya ng “Darna.”

Boses daw ito ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Iyon daw kasing tipo ng pasigaw na boses na matinis at kontrolado ang bagay na bagay sa ibirit ng actress-singer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.