Abante Tonite Interactive

Angel dedma sa pagkasunog ng balat

1,520

NI: Rona Ronda

Nasunog na ang makinis na balat ng aktres na si Angel Locsin dahil sa kanyang Operation: #HealTheWorld. Makikita sa kanyang Instagram story ang nasunog na leeg at braso dahil sa kakabilad sa tirik ng araw.

Sa tulong ng donasyon ng kapwa artista na sina Anne Curtis, Bea Alonzo, Ria Atayde, Lorna Tolentino at Paulo Avelino ay nakapagtayo si Angel at ang kanyang team ng sleeping quarters para sa mga health worker.

Inulan naman ng papuri mula sa mga netizen dahil sa kabutihan ng kanyang puso sa mga nangangailangan.

Komento ng kanyang mga fan at netizen,

@bookwormie_romew, “Darna to the rescue. True angel on earth indeed. Stay safe po kayo.”

@itscandslove, “Real life heroes. Mabuhay ka ateng.”

@jujubels, “Keep safe. May God bless you always.”

@friendyyyyy, “Doble ingat Darna. Kailangan ka pa namin.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad