Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel dedma sa parinig ni Keanna

0 978

Bago pa lumala ang sinabing invisible war na namamagitan diumano kina Angel Locsin at Alessandra de Rossi, may tandang pandamdam na ang kapatid ni Assunta para rito.

Kuda ni Alex: “Nakikiusap ako sa mga gumagawa ng gulo at headline. No!!! Mahal ko yan! Kung mnay gusto akong sabihin sa kanya, itatawag ko na lang. Ba’t magpaparinig? Iba siya, iba ako. Iba laban niya, iba din sa akin. Magkakampi si Darna at sa Valentina sa totoong buhay. I love you Angel ng lahat.”

May kasamang heart emoji ang pahayag ni Alessandra kaya sa mga sensitive at protective fanatics ni Locsin, kalma na. Huwag padala sa mga maling akala at hakang-haka kulang sa ebidensiya.

Hindi maiiwasang maglabasan ang political alliances at beliefs ng mga artista sa kasalukuyan dahil sadyang hindi katanggap-tanggap ang mga ilang pangyayari sa ngayon.

Kaya, yung drama ni Keanna Reeves na isa pa daw nagpaparinig kay Angel, mas lalaong hindi dapat patulan at intindihin.

Si Aling Keanna ay isang buhay na halimbawa kung gaano kaingay ang ilang mga tao na sadyang ginagamit ang kanilang social media platform para magpapansin at malaman ng lahat na she is still very much around at may wawa pa siya.

Kaya if she feels so entitled with her opinions, hayaan na lang natin ang babaing susuhan sa kanyang kyaw-kyaw .Mag-focus tayo sa mga bagay-bagay at mga taong may katwiran ang mga katwiran at may tunay na kahalagahan.

Benedict bet sagpangin ni Mimiyuuuh

Ang pagkakadiskubre sa tandem nina Benedict Cua at Mimiyuuuh ay isang happy accident. The WHO kaniyo ang dalawa? Ay hindi niyo pwedeng tarayan at pagdabugan ng bangs ang dalawang vloggers dahil sadyang impressive ang numbers of their subscribers . Meron talagang following ang kanilang individual at collective collaborations.

Pawang a year old na ang video collaborations nilang dalawa, the last was dated November of last year pa.

Bakit nga ba nakakatuwa silang panoorin? Kasi maginoo na medyo bastos itong si Benedict at si Mimiyuuuh naman, baklang pa-girl na alam mong pigil na pigil ang panghaharot kay Cua na alam mong bet na bet niyang sagpangin.

Grabehan ang kulitan at lanturan nila. ‘Yung iba, nanalig na ang galing-galing ni Benedict na magpa-fall at itong si Mimiyuh naman, go for gold ang pagiging willing victim.

Bongga rin na the two does not seem to mind their difference in sexual orientation and preference and this fact adds to the kilig and what if factor. Ano nga kaya ang mangyayari kung hindi na ito biruan at totohanan na? Will it be as fun and spontaneous?

Ang pinakagusto ko tandem na ito, ang bromosexual relasyon between a man and a gay person ay hindi pala pang ibang bansa lamang and it works, at sina Cua at Mimiyuuuh ang perfect example nito.

Hindi ko alam kung may sususnod pang video collaboration sina Benedict Cua at Mimiyuuuh. For sure, their followers are eagerly awaiting for it. At sana, kahit walang camera, patuloy pa rin ang friendship nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.