Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Ebe, Bayang online jamming kay de Lima

0 281

Ipagdiriwang ni Senadora Leila M. de Lima ang ika-61 niyang kaarawan ngayong araw (August 27) na ito. Ito na ang ikaapat niyang kaarawan na idadaos sa PNP Custodial Center, Camp Crame, bilang isang bilanggong pulitikal.

Kaugnay nito, nagsama-sama ang maraming musikero, artista, aktibista, lider at relihiyoso para sa isang gabi ng “online community jamming” na pinamagatang Leilaya! Tinig at Musika para sa Diwang Malaya.

Kasama sa mga makikibahagi dito sina Vice President Leni Robredo, Senador Kiko Pangilinan, Senadora Risa Hontiveros at marami pang mga kilalang lider.

Kabilang din sa mga magtatanghal sina Ebe Dancel, Bayang Barrios, Bituin Escalante, Ria Atayde, Mikoy Morales, Juan Miguel Severo, Angel Aquino, Michael de Mesa, at iba pang de-kalibreng musikero.

May mga mensahe din sina Archbishop Soc Villegas, Bishop Ambo David, at marami pang relihiyoso at civil society leaders.

Pinangunahan ang nasabing pagdiriwang ng grupong Free Leila de Lima Movement (FLM). Gaganapin ang nasabing e-jamming sa ganap na 8pm-11pm, na mapapakinggan sa Radyo Katipunan 87.9 FM, at mapapanood sa Facebook livestreaming ng FLM, Leila de Lima at Free Leila Committee FB page at ng marami pang katuwang na organisasyon.

Si De Lima ay kinikilalang pinakamatinding kritiko ng administrasyong Duterte. Noong Pebrero 24, 2017, ipinakulong si De Lima dahil sa mga kasong isinampa laban sa kanya batay sa mga testimonya ng mga convicted witnesses.

Hayagan ang pagbatikos sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga kaalyado nito matapos pangunahan ng Senadora ang imbestigasyon sa Senado ukol sa mga extrajudicial killings.

Leave A Reply

Your email address will not be published.