Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel handang maging purdoy

0 316

Inamin ni Angel Locsin na bago dumating si Neil Arce sa buhay niya ay wala raw siyang planong magkaroon ng boyfriend.

“Actually, lahat sila nangungulit na kung ano ang plano ko sa future. Along came Neil. Wala akong kaplano-plano. Na sinabihan ko pa siya na ayoko na magka-boyfriend ever. Siya ang sinabihan ko nu’n,” sey ni Angel sa talk of the town vlog nila ni Neil titled “Lipat Bahay Gang.”

At ngayong kasama na niya si Neil, kahit daw ano pa ang mangyari sa kanila, kahit maghirap pa sila ay okay lang sa kanya as long as kasama niya ito.

“With Neil, marami akong bagay na hindi ako sigurado na mangyayari sa future natin. Pero, kapag kay Neil, okay ako. Kung maghirap kami sa future, magkagulo sa future, kapag si Neil ang kasama ko, masaya ang future ko,” sey pa ng aktres.

At 36, aminado rin si Angel na medyo napi-pressure siya kapag napag-uusapan ang pagkakaroon ng anak.

“Medyo (nakaka-pressure). Kasi, ‘di ba sabi nila sa age ko. Sabi nila kapag sa babae parang sabi nila may hinahabol na oras. Pero sa akin parang kung ano ang ibigay na biyaya ni Lord, ‘di ba?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa sa aktres, dati ay gusto niya sana ng kambal na anak.

“Noon kasi nahihilig ako sa kambal. Kapag nakakakita ako ng kambal, sobrang cute, ‘di ba? Eh wala akong lahing kambal.

“Pero nu’ng nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na nagka-babies na at kung gaano pala kahirap mag-alaga ng bata, sabi ko ‘ay parang di ko yata kaya mag-alaga ng sabay.’ So, kahit isa na lang,” sey niya.

Ang nasabing Lipat Bahay Gang vlog nina Neil at Angel ay hit na hit sa YouTube ngayon dahil dito nila inanunsyo na kasal na sila via civil ceremony sa Taguig officiated by Mayor Lino Cayetano.

Sa kasalukuyan ay nasa 1.6 million na ang views ng vlog since its upload last Aug. 7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.