Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel handang sumaklolo kay Chito

0 85

Maraming netizen ang nabahala sa napabalitang muling pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Kahit si Angel Locsin, hindi naman napigilang mag-alala sa kanyang close friend na si Chito Miranda at ng pamilya nito na nakatira sa Alfonso, Cavite.

Ito ang laman ng convo ng Parokya ni Edgar frontman at ni Angel na naibahagi ng una.

In-offer pa ng aktres ang kanyang bahay kay Chito at sa pamilya nito kung kailangan nito nang matutuluyan.

“Chito! May kwarto kayo dito nila Neri at Miggy at kung sino pa kasama nyo sa house ha? Anytime, pwede kayo dito,” ani Angel.
“Mabuti ng iwas muna kayo at unpredictable pa yung Taal. Plus yung smog *vog,” pahabol pa niya.

Nagpasalamat naman at na-touch si Chito sa kind gesture ni Angel .Sinabi rin nitong huwag mag-alala dahil ligtas sila sa kanilang kinaroroonan.

Bea ‘kerida’ ni Dingdong

Pagkatapos na ianunsyo ni Bea Alonzo ang bagong kabanata sa kanyang buhay bilang Kapuso sa kanyang Instagram account, maraming faney na ang nai-excite sa mga proyektong gagawin niya sa GMA-7.

SM food to go Banner Ad

Hindi pa man nagsisimula ng kanyang trabaho,may ilang followers na ang nagpu-push ng isang teleserye with Dingdong Dantes and Marian Rivera.

For sure, aabangan daw at pag-uusapan ito ng madlang pipol.

Sa kaso naman ni Bea, sinabi niya sa isang panayam na bet niyang makatrabaho ang Dantes couple.

Hirit naman ng kibitzers, bet daw nilang magbida ang tatlo bilang love triangle sa isang TV series.

Kung nagkataon, mas bagay raw kay Bea ang role ng kerida o other woman ni Dingdong.

May ilan namang nag-insist na dapat daw ay pantay ang roles nina Bea at Marian lalo pa’t ang huli ang may titulong Kapuso Primetime Queen.

May nang-uurot naman kung sakali, sino raw kaya ang mauuna sa billing between the two.

Kung may kissing scenes ba si Dingdong kay Bea,gonna watch daw ba o make bantay si Marian?

Toni ‘di naghahabol sa pera

Nilinaw ni Toni Gonzaga na hindi pera ang habol niya o ang maari niyang kitain sa YouTube kaya siya sumabak sa vlogging.

Gusto kasi niya na sa bawat video na mapapanood ng kanyang mga subscribers ay may mapupulot na aral ang mga ito

Ito ang sinabi niya sa panayam sa kanya ng isa ring kilalang YouTuber na si Wil Dasovich.

Nang tanungin naman siya kung saan mas malaki ang kita niya, diretsahan niyang sinagot na mas malaki ang kita niya sa paggawa ng mga pelikula at TV shows.

Ito raw kasi ang naging daan para makapagpundar siya para sa kanyang pamilya makapag-travel at iba pang mga bagay na nais niyang gawin.

Sa ngayon, nasa punto na umano siya ng kanyang buhay na hindi na niya iniisip ang ‘profit’ o kita . Ginagawa na lamang daw niya ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.

“20 plus year in the industry, I was able naman to save for myself. So, I.m not deciding anymore for money,” aniya.

Ang pagiging content creator ng kanyang
YouTube channel ang masasabi niyang nakapagpapasaya sa kanya ngayon lalo pa’t may mga bago siyang natutuklasan sa mga taong kanyang nakakasalamuha.

May malaki raw umano kasi itong kaibahan sa kanyang trabaho sa telebisyon . Tila naging isang ‘routine’ daw ito kahit mahal naman niya ang kanyang ginagawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.