Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel hindi komunista

0 529

Nilinaw ni Angel Locsin na hindi siya komunista sa kanyang Instagram account. Nag-post siya ng larawan na pulang-pula ang lipstick at red dress. Nanawagan din siya na itama ang maling paratang.

Ang caption niya. “#NoToRedTagging
#YesToRedLipstick ?

“To set the record straight, hindi po ako parte ng NPA or any terrorist group . Neither my sister nor my kuya Neri is a part of the NPA or any terrorist group.

“We live in a country where our freedom to speak and express ourselves are enshrined and protected by the Constitution. May paniniwala ako, may paniniwala ka. At sa ilalim Ng Constitution, pareho tayong mayroon karapatan sa ating nga sariling paniniwala. Kung mag kaiba tayo, hindi ibig sabihin pwede mo na ako i-red tag. Hindi tayo magkakalaban dito. Hindi rin ako “red”. Magkaiba lang tayo ng paniniwala.

“Nanawagan po ako sa kinauukulan, na itama po ang mali na ito. Tigilan na po ang red tagging. The statement made is utterly false and places ordinary citizens like us, those who they swore to protect, in danger.

“Nakakalungkot po isipin na dito napupunta ang malaking halaga na 19.3B, sa mga paratang na walang basehan at pananakot na red tagging. Sana ibigay na lang po sa ibang departamento ng AFP katulad ng medical reserve corps o pagtaas ng sweldo at pension ng mga sundalo natin. Malaking tulong rin po for purchasing vaccines or other covid response programs. Many of our country men need financial assistance. Mga OFW na nawalan ng trabaho. Madaming mas nangangailangan ng pera ngayon. Sana doon na lang ilaan at sana doon ibuhos ang oras.

“I am also appealing to everyone to express support for those being red-tagged like Liza Soberano, Catriona Grey, and all the others just because they are expressing their beliefs peacefully

“By being vocal about my opinions and advocacies, I have always been attacked. Those I could ignore but this is a different level altogether. And so I have to speak up once again because this baseless and reckless red-tagging jeopardizes not only my safety, but also the safety of my sister and our family.”

“Beside you all the way!,” reaksyon naman ng kanyang boyfriend na si Neil Arce.

Nagbigay naman ang mga kasamahan sa indutriya ng suporta kay Angel.

@iamangelicap, “Maraming salamat sa tapang mo.”

@annecurtissmith, “supporting you mars! “

@mr_enchongdee, “supporting you.”

@iamkarendavila, “WOW fiery and empowered!”

@ic.mendoza, “Mahal ka namin.”

@msritaavila, “Gorgeous soul.”

Pak!

SM food to go Banner Ad

@@@

Di NPA si Locsin- ABS-CBN

Nagbigay ng official statement ang ABS-CBN sa isyung kinasasangkutan ni Angel Locsin.

“Lubos na nababahala ang ABS-CBN sa maling pagbabansag kay Angel Locsin bilang miyembro ng NPA.

“Ang pagkakawanggawa at pagpapahayag ng sariling opinyon ay hindi dapat gawing basehan para tawaging miyembro ng mga komunista.

“Naniniwala kami na tulad ng sinumang Pilipino, karapatan ni Angel na magpahayag ng kanyang sarili at manindigan para sa kanyang mga prinsipyo nang walang paghuhusga.

“Sinusuportahan namin si Angel sa patuloy niyang paglalaan ng oras at talento sa pagtulong sa kapwa.”

@@@

Sabi n’yo dati patay na ‘ko- Ella

May paglilinaw rin si Angela (Ella) Colmenares sa kanyang Facebook account.

“Mali na naman po kayo. Hindi ako naging Gabriela Youth organizer. Supporter of women’s cause, yes. I was with a

Christian group during my younger years and was recently active in environmental causes doing coastal clean-ups. Ano po bang masama dun? Pakicorrect na lang po kasi nakakahiya naman sa napakalaking intel funds ninyo..
Saka ano po ako, palitaw: lulubog-llitaw?! Ano po ba talaga ang nasagap nyo? Sabi nyo dati patay na ko? Maawa po kayo sa trolls nyo. Hilong-hilo na. “

‘Yun na!

@@@

Star Magic, Dos todo tanggol kay Liza

Itinataguyod ni Liza Soberano ang mga karapatan ng kababaihan at sinusuportahan ang mga hakbang na nangangalaga at nagsusulong ng interes ng kababaihan.

Kaisa ang ABS-CBN at Star Magic sa pagsasalita ni Liza Soberano laban sa mga paglabag sa karapatan ng kababaihan. Ito ay sarili niyang paninindigan at hindi ng sinumang tao o grupo.

Sana ay hayaan natin ang mga taong malayang makalahok sa mga makabuluhan at makatuwirang talakayan ng mga isyu nang hindi nababansagang komunista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.