Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel inagaw ang bato kay Jane

0 402

NI: Archie Liao

Trending na naman si Angel Locsin dahil pinatunayan niyang siya ang real-life Darna na maaasahan sa panahon ng kalamidad.

Sa isang viral video kasi, ini-reveal ng isang TV host actress na nagbigay ng 2 million pesos ang aktres bilang donation para sa mga nasalanta ng super typhoon Odette sa Visayas at Mindanao.

Marami ang humanga sa Kapamilya actress dahil nagparamdam na naman ng kanyang kabayanihan ang pilantropo.

Hirit tuloy ng ilang kibitzers, inagaw raw nito ang bato kay Jane de Leon bilang onscreen Darna.

SM food to go Banner Ad

Hindi rin naman nagpahuli si Gerald Anderson na naghatid ng tulong sa mga apektado ng typhoon Odette. ito’y pamamagitan ng pamumudmod ng saku-sakong bigas at bottled water sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard.

Sey tuloy ng mga mahadera, kung magiging consistent daw si Gerald sa ginagawa niyang ito, mabubura na ang kanegahan na idinulot sa kanya ng “ghosting issue”with Bea Alonzo.

In the meantime, marami rin ang nagtatanong kung bakit hindi nito kasama ang kasintahang si Julia Barretto sa kanyang humanitarian works.

Kung sakali raw, makakapagpadagdag ito ng good vibes sa aktres dahil matatabunan nito ang anumang kanegahan na naikulapol din sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.