Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel inangkin ni Neil

0 101

Mukhang wala na talagang atrasan ngayong 2021 ang kasalang Neil Arce at Angel Locsin and from the looks of it ay handang-handa na rin ang engaged couple na maging husband and wife.

Nag-post si Neil ng larawan nila ni Angel bago matapos ang taong 2020 at sa caption, proud niyang ipinahayag na kanyang-kanya na ang aktres ngayong taon.

“Nagsimula sa camping sa kasalan pala mauuwi. Sa 2021 sakin ka na,” ang caption ni Neil na ikinakilig ng kanyang mga followers.

Sumagot naman si Angel ng “sayo naman ako” ay dinugtungan pa ng “thru thick and thin!”

Kung matatandaaan, November 8, 2020 ang original schedule ng kasal nina Angel at Neil pero dahil nga sa pandemic ay hindi ito natuloy at inurong ng 2021. Bagama’t walang exact date silang ini-reveal sa kanilang kasal, sinasabing early this year ito.

Jessy, Luis nag-away sa basher

Inamin nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na dumaan din sa mga challenges ang kanilang relasyon lalo na nga noong bago pa sila. Ito nga ‘yung time na ang daming nanghuhusga sa kanilang relasyon kaya naman dumating na rin sila sa punto na nag-aaway na rin sila dahil sa bashers.

“Maraming beses din kasi noong nagsisimula din kami, ‘di ba, naba-bash kami, tapos, kahit hindi naman nila alam ang totoong nangyari or ‘yung kwento, parang naniniwala sila sa mga sabi-sabi lang.

“Oo, sige, ‘us against the world’, pero ‘pag marami nang nagbabato sa inyo, parang nakaka-apekto na rin. Tao lang. May nararamdaman din kami. Tapos ‘nung time na ‘yun, napag-aawayan na rin namin,” kwento ni Jessy sa episode ng Magandang Buhay aired last Dec. 31.

It could be recalled na noong early stage ng relasyon nila ay napagbintangang si Jessy ang dahilan ng break-up nina Luis at Angel Locsin. At paulit-ulit na rin naman nilang nilinaw na hindi ito tototo dahil matagal na raw na split sina Angel and Luis bago pumasok si Jessy.

“Kahit na ilatag naman namin kung ano ang totoong nangyari, kahit na ilang beses naming ipaliwanag kung ano talaga ‘yung sitwasyon noong nangyari ang mga bagay-bagay, ang taong naghahanap ng mali talagang makakahanap ng mali,” sabi naman ni Luis.

But good thing, ani Jessy, ngayon daw ay natanggap na rin ng mga tao ang kanilang relasyon.

“Nakakatuwa din, kasi, ngayon naman, nakikita nila na totoong masaya kami and tumatagal kami.

“May mga dating bashers na nagme-message sa amin na ‘sorry, binash ka namin noon, binash namin kayo noon, pero nakita ko kung gaano kayo kasaya ngayon, kaya naging fan na ako.’ May ganu’n,” sey pa ni Jessy.

“Kaya happy na ako kasi nakita nila ‘yung totoong kami,” dagdag pa niya.

Ngayong 2021 na rin naka-schedule ang kasalang Luis-Jessy. Na-engage sila last October.

Leave A Reply

Your email address will not be published.