Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel inurirat ang trauma ni Matteo

0 113

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ni Matteo Guidicelli sa kanyang podcast na Mattruns si Angel Locsin.

Natanong ni Matteo ang aktres kung noong unang nakilala raw nito ang mister na si Neil Arce ay naramdaman na niyang ito ang “the one” para sa kanya.

Ani Angel, ni sa hinagap daw ay hindi niya ito inisip.

Sey niya, si Neil daw kasi ang takbuhan niya noon kapag may problema siya sa kanyang lovelife.

Nagpapatulong din daw ito noon sa kanya sa panliligaw sa ibang girls.

Hindi rin daw niya ito naging ‘crush’ dahil ang bilang katropa ang turing niya rito.

Iyon daw nangyari sa kanilang relasyon from friends to lovers ay maituturing na isang milagro na bigay ng Diyos.

Sa kanyang bagong estado bilang Mrs. Arce, sabik na rin daw siyang magkaanak pero di raw naman niya bet ang magkaroon ng basketball team.

Iyong isa o dalawang anak ay okey na raw sa kanya.

Hirit naman ni Matteo, nakikita niya kay Angel ang mga katangian ng isang mabuting ina.

Ayon naman kay Angel, feeling niya pag naging nanay siya ay isa siyang stage mother.

Inurot naman ni Angel si Matteo kung may trauma ito sa mga stage mother.

Ngumiti lang si Matteo pero hindi naitago ang kanyang pagkabigla sa tanong ng aktres.

Kilala kasing overprotective ang in-law niyang si Mommy Divine sa kanyang misis na si Sarah Geronimo bago pa sila nagpakasal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.