Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Jane pinagbati ni Iza

0 636

Peace na sina Angel Locsin at Jane de Leon pagkatapos maintriga sa mga post nila. Tapos na ang salpukan ng 2 Darna na pinagpipistahan sa internet.

Ayon sa source, nag-reach out daw si Angel kay Jane sa pamamagitan ng Zoom app. Si Iza Calzado raw ang naging daan at namagitan sa dalawa.Confidential daw ang naging usapan.

Ang bottomline hindi naman daw nag-aaway ang dalawa. Iisa lang ang goal nila, ito’y magkaisa dahil pareho silang Kapamilya.

“We appreciate naman gesture ni Angel for reaching out to Jane. Nagpaliwanagan lang sila ng bawat side nila ,” maikling reaksyon ni Tyronne James Escalante, manager ni Jane.

Matatandaan na si Jane umano ang pinatatamaan ni Angel sa post niya sa kanyang Instagram story.

“No one asked you to go to a rally. Obviously, you don’t need to go out to use your voice for the voiceless. But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting ”

Lumabas ang deklarasyong ito ni Locsin pagkatapos mag-post si Jane ng “My support to the current crisis that the network is facing right now is not just measured by going out in the streets in this time of pandemic. Alam kong para sa nakakarami sa atin, masakit ang closure ng ABS-CBN. Nakikiisa at nakikisimpatya rin po ako sa mga kapwa ko Kapamilya na nawalan ng kabuhayan.

“However, let us not forget that in the bigger picture, we are still at risk because we all have an invisible enemy to deal with. Our health and that of our loved ones are at stake. As the COVID infection rate in our country continues to rise, hospitals and facilities are nearing, if not reached, full capacity.”

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.