Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Janella imbyerna sa pagpatay ng pulis

0 288

Maghapong trending kahapon sa Twitter ang nangyaring trahedya sa Tarlac kung saan ay pinagbabaril ng isang police office mag-inang kapitbahay na sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio and dahil lamang sa away tungkol sa boga, isang uri ng paputok o firecrackers.

Nag-trending ang mga hashtags na #StopTheKillingsPh, #JusticeforSonyaGregorio, #EndPoliceBrutality at #PULISANGTERORISTA.

Maging ang mga artista ay nagpahayag ng kani-kanilang reaksyon at opinyon hinggil sa nangyari at kinokondena nila ang injustice killing.

Sa tweet ni Maine Mendoza, kitang-kita ang malaking galit niya sa brutal na pagpatay sa mag-ina.

Ang haba rin ng pahayag ni Bianca Gonzalez na kinokondena rin ang kriminal.

“Na parang normal lang ang pagbunot at pagputok ng baril. Na parang wala lang ang buhay ng dalawang taong walang laban at hindi nanlaban. Na kung walang video na nakuha ay hindi pa malalaman ang kawalanghiyaang krimen na nangyari.

“Tumatawag ng hustisya pero sa totoo lang ay nawawalan ng pag-asa. Ilang magulang o anak ang pinatay ng ganun ganun lang na hindi nakunan ng video o walang nakasaksi at hindi makakamit ang hustisya?” tweet ni Bianca.

Halos ganito rin ang himutok ni Janella Salvador. Tweet niya, “how inhumane can you be to take actual human lives like that so confidently for your own selfish reasons— IN FRONT OF YOUR OWN CHILD— LIKE IT’S NORMAL? This is what it has come to in our country. Sick. My father is a policeman my ass.”

Tweet naman ni K Brosas, “Hindi ko kayang panoorin yung video.. nakakapang hina kahit pics Lang nakita ko at article.. Grabe na to lord!! Ganon ka casual?!?! Kahit alam nya na may camera?! Hayyyy!!!!”
Matapang ding tweet ni Agot Isidro, “PNP = Patay Nang Patay.”

“Murderer,” ang tweet naman ni Angel Locsin.

“GALIT NA GALIT AKO! Gising Pilipinas! Grabe na tong nangyayare! Let’s do something about this,” reaksyon ni Kean Cipriano.

“That was just pure evil!!! JUSTICE for the family! That policeman should pay!” tweet naman ni Jed Madela.
“Justice sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay dahil lang sa init ng ulo ng ibang tao. It’s not fair,” tweet ni Alessandra de Rossi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.