Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Jennylyn sanib pwersa sa masasamang pulis

0 206

Sinagot ni Angel Locsin ang naging pahayag ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana hinggil sa ginawang pamamaril ng police officer na si Jonel Nuezca ng Tarlac.

Matatandaang si Nuezca ang pulis na walang-awang pinatay ang mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio nang pagbabarilin niya ang mga ito noong Dec. 20.

Sinabi ni Usana na personal matter daw ang insidente at hindi konektado sa performance ni Nuezca bilang police officer.

“That is personal to him at hindi po ito connected sa kanyang performance as a police officer. . .We would still suggest sa mga police officers na maging mahinahon at huwag mapang-init ang ulo pagdating sa mga usapin na nakapaloob sa kanilang community, lalo na sa kanilang neighbors,” pahayag ni Usana.

Sa kanyang IG Story ay nirepost ni Angel ang pahayag ng naturang PNP spokesperson at nag-react.

“Nakakagalit na sagot. Connected pa rin ito sa performance niya bilang police officer. Hindi dapat “suggestion” lang. Mahigpit na implementation dapat!” Angel wrote.

Samantala, umayon naman si Jennylyn Mercado sa tweet ni Angel na “Good cops should condemn bad cops. Remember the motto, #ToProtectAndToServe.”

Niretweet ito ni Jen with the caption, Good cops should condemn bad cops. and… do something to ensure that bad cops are removed from the organization. #FixTheSystem #ItamaAngMaliSaSystema.”

SM food to go Banner Ad

Maine peke ang video scandal

Sinigurado ng ng talent management ni Maine Mendoza na hindi nila palalampasin ang mga netizens na magkakalat ng fake video scandal ng aktres.

Naglabas ng official statement ang All Access to Artists, Inc. ni Rams David at klinaro na fake ang nasabing video scandal diumano ni Maine.

“It has come to our attention that an alleged video of Ms. Maine Mendoza is circulating online.

“All Access to Artist, Inc. and Ms Mendoza hereby inform the public that the said video is fake. It has been digitally manipulated using deepfake technology.Ms. Mendoza is not involved in the said video and neither does she participate in the making of pornographic and other explicit materials,” ang paglilinaw sa official statement.

Kasunod nito ay binalaan ng AAA ang mga netizen na magpo-post or magkakalat ng video.

“The public is warned not to post, share or otherwise circulate the video. We will not hesitate to take appropriate legal action against any person circulating the same. We intend to hold those individuals criminally and civilly liable for the damage caused to Ms. Mendoza,” pagbabanta ng AAA.

“We remind the public to be more discerning of the content they see online and to help us take down this voyeuristic and defamatory content.

“We are grateful for you continued trust and support for Ms. Mendoza. Rest assured that we are taking all the necessary steps to hold the individuals involved accountable and we are coordinating with the proper government agencies to remove the content online permanently,” pagtatapos ng statement.

Leave A Reply

Your email address will not be published.