Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel kay Digong: Solusyon hindi emosyon

0 554

NI: VINIA VIVAR

Hindi mapigilang mag-react ni Angel Locsin sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa hindi matapos-tapos na pandemic sa bansa.

In his weekly public address last March 29 ay sinabi ni PRRD na gusto na raw niyang umiyak sa situwasyon ng bansa natin ngayon.

“Gusto ko na nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko. Hay, buhay. Kung alam lang ninyo… para akong dumadaan ng purgatory ngayon, at this time,” pahayag ng Pangulo.

Kinabukasan ay ni-repost ni Angel ang statement na ito at nagbigay din ng kanyang mensahe sa Pangulo.

Magalang na sinabi ng aktres na hindi raw emosyon ang kailangan ngayon kundi solusyon.

“With all due respect to your feelings for our countrymen, Sir, it’s concrete solutions not emotions that we need to hear from you right now.

“Millions of Filipinos wait for you to address the nation. I know your time is precious, but so is ours. Especially now that every step matters.

“You can rant and share with your closest friends but not when addressing the nation.

“Thank you very much, Sir. Please stay safe,” ang mensahe ni Angel kay Digong.

Pero kahapon ay natuwa naman si Angel sa bagong aksiyon ng Pangulo na pag-aruba sa ayuda para sa 23 milyong apektado ng COVID-19.

“Anyway, salamat po sa mabilis na pag apruba ng in kind assistance para sa mga kababayan nating hirap ngayong pandemya (smiley). Lalo na po sa mga “no work no pay”. Napakagandang balita na mabasa po sa umaga. Good morning, everyone,” post ni Angel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.