Abante Tonite Interactive

Angel keber sa pagtanggi ni Luis na makasama sa PGT

By
Angel Locsin
3,186

AYAW nang palakihin pa ni Angel Locsin ang tungkol daw sa pagtanggi ni Luis Manzano na hosting sa PGT.

Ayon sa usap-usapan, personal daw ang rason kung bakit hindi na si Luis ang host nito, at ibinigay na kina Toni Gonzaga at Billy Crawford.

Sabi lang ni Angel: “Hindi kasi ako nangingialam sa decision ma­king.

“Ayoko na magbigay ng komento dito nga­yong tahimik na ang lahat. Basta ako, alam kong meron siyang show na gagawin.

“Hindi naman mawawalan ng show si Luis. Isa siya sa pinakamagaling na hosts dito sa atin sa Pilipinas, at ako rin naman ginagawa ko lang naman kung ano ‘yung binibigay sa akin na trabaho. ‘Yun lang ang puwede kong sabihin.”