Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel kinabog ni Heart

0 61

Sa kanyang recent online interview, ibinahagi ni Angel Locsin na bago siya napunta sa GMA-7 nun’g nagsisimula pa lang siya bilang artista ay sinubukan niya munang mag-audition sa ABS-CBN.

“Hindi ako pinalad sa ABS-CBN, nu’n. Kung baga, kasabay ko si Heart Evangelista no’n, si Heart ‘yung napipili, ‘yung ganu’n,” kwento ni Angel sa Over a Glass or Two interview.

Nag-audition daw siya para maging ka-loveteam ni John Prats . At para magmukha siyang maliit at bumagay sa aktor ay nagtatanggal pa raw siya ng sapatos.

“John Prats is tall din naman pero syempre, pag babae kasi, dapat di ba, mas maliit ng slight nang konti sa leading man. But mas matangkad naman sa akin si Pratti talaga,” tsika pa niya.

Aniya pa, hindi raw niya pangarap maging artista before.

“Ang pamilya kasi namin, napakasimple lang. So, walang mag-iisip sa amin na meron kaming opportunity na makapasok sa showbiz, maging artista ka or sumikat ka, ganyan,” lahad ng aktres.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May lumapit lang daw sa kanya dati sa mall at tinanong kung gusto niyang mag-model. At doon lang daw nagsimula.

“Walang intensyong mag-artista or naisip ko na may chance akong maging artista,” sey niya.

Isang aksidente rin daw ang pagkakapasok niya sa GMA-7 dahil sinamahan niya ang friend niya na mag-audition sa Kapuso . Habang naghihintay raw siya ay sinabihan na rin siya ng isang staff na mag-audition na rin.

Ang suot pa raw niya noon ay t-shirt, naka-cap, walang make-up.

Luckily ay siya ang natanggap at hindi ang kaibigan niya. Doon na raw nagsimula ang lahat. Aminado rin ang aktres na hindi niya akalaing makakarating siya kung nasaan siya ngayon kaya naman sobrang grateful daw niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.