Abante Tonite Interactive

Angel kinabog sina Anne, Marian sa most admired list

570

Naglabas ng listahan ang YouGov tungkol sa most admired women in the world.
Nagulat ang Kapamilya actress na si Angel Locsin dahil mula umano sa datos ay nakakuha siya ng 11.14%.

Kinabog niya sina Anne Curtis na nakapagtala naman ng 8.57% samantalang si Marian Rivera ay nakakuha ng 5.85%.

Nasa listahan din ang mga Hollywood celebrities na sina Gal Gadot, Ange­lica Jolie, Ellen Degeneres, Emma Watson at maging sina Queen Elizabeth at VP Leni Robredo.

Sey ni Angel sa kanyang Twitter: “Hindi po ako makapaniwala, pero kung totoo ito, maraming salamat po.”

Paglilinaw naman ng ilang netizen, legit daw na source ang nasabing market research and data analytics firm.

Ayon sa survey, ang percentage ay kumakatawan sa share of admiration of each person in the list from 41 countries. (Archie Liao)