Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel kinabog sina Anne, Marian

0 42

NI:ARCHIE LIAO

Sa podcast talk show ni Matteo Guidicelli para sa Spotify, inamin ni Angel Locsin na may royal lineage siya dahil kamag-anak nila ang prinsesa ng Marawi sa Lanao del Sur.

Gayunpaman, ayaw raw niya itong ipagyabang dahil gusto lamang daw nilang mamuhay ng simple.

“’Yung version na alam ko, ‘yung kinakalakihan ko is ‘yung mommy ko adopted sa Marawi.

Napakabait nila sa amin, hindi pa ako artista,” aniya. “Dahil hindi naman kasi mayamang pamilya ang pamilya ko, nu’ng naghihikahos ang lolo at lola ko, nagmagandang loob ‘yung princess ng Marawi and in-adopt ‘yung mommy ko. Hanggang sa ako pinanganak na, nag-reach out talaga sila. Napakabait,”dugtong niya.

Kuwento pa ni Angel, thankful siya sa kanyang kinagisnang pamilya sa Marawi na napakabait sa kanya kahit pa magkaiba ang kanilang kinagisnang relihiyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kahit Kristiyano ako, walang issue, walang friction. Napaka-giving lang talaga nila,” bida niya.

Hanggang ngayon daw, may komunikasyon pa siya sa kanyang mga kamag-anak doon at kung may pagkakataon siya ay binibisita niya ang mga ito.

“I am just really happy na parte sila ng buhay ko. Hanggang ngayon, kapag pumupunta ako sa Mindanao, nakaantabay na talaga ‘yung mga kamag-anak ko doon. Kaya masakit sa loob ko kapag nakakarinig akong hindi maganda tungkol sa mga Muslim brothers natin kasi nakita ko kung gaano sila kabait,” bulalas niya. “Kristiyano ako, pwede naman nila akong — kung totoo ‘yung sinasabi nilang it’s a war between religions, hindi eh. Hindi ‘yun… Basta ang alam ko ang mga Muslim, ayaw ng violence, ayaw ng nakakasakit ng kapwa. Puro lang sila love,” pahabol niya.

Marami namang netizens ang pumuri sa aktres na sa kabila ng royal lineage nito ay nananatiling grounded ito, matulungin at mapagkumbaba.

Sa mga artista, kinabog din daw nito sina Anne Curtis at Marian Rivera sa pagkakaroon nito ng dugong bughaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.