Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel kinontra si Digong

0 798

Hindi sang-ayon si Angel Locsin sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte recently tungkol sa COVID-19. Ipinahayag ng aktres ang magalang niyang pagtutol sa kanyang Instagram account.

In her IG Story, inirepost ni Angel ang statement ni Digong na “do not despair. Kaya natin ito COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo…Lahat kayo ‘wag kayong matakot.”

Sa itaas ng larawan ay makikita ang opinyon ni Angel. Aniya, “maliit na bagay? Baka po sa inyo, Sir. Para sa amin po kasi malaki.”

Dinugtungan pa niya ito sa ibaba ng pahayag na “malaking utang. Malaking taas ng cases. Malaking human rights violations.”

Sa isang thread na nabasa namin, hati ang reaksyon ng mga netizen sa komento ni Angel. As usual, may nang-bash na naman sa kanya mula sa supporters ng Pangulo at mayroon din namang umayon sa kanya.

Pero knowing Angel, eh dedma na siya sa mga pangba-bash sa kanya.

Sharon kay Fanny: ‘Wag mo akong iwan

Tila hindi pa bumubuti ang kalagayan ng celebrity stylist na si Fanny Serrano dahil kahapon ay nag-post muli si Sharon Cuneta ng panalangin para sa matalik na kaibigan.

Nag-post si Sharon ng mga old photos na magkasama sila ni Fanny at inaayusan siya. Sa caption ay nagbigay siya ng mensahe sa kaibigan at nakiusap na huwag siyang iwan.

“Please Lord…don’t take him away from me yet…Don’t leave me, my dearest TF…I love you so, so much…” ang caption ni Megastar.

Matatandaang last Tuesday ay nagkaroon ng massive stroke si Fanny na ibinalita ni Shawie sa kanyang social media accounts sa pamamagitan ng isang video.

Makikitang umiiyak si Sharon sa video at humihingi ng dasal for Fanny.

Ayon pa kay Mega ay parang pamilya na ang turing niya kay Fanny sa loob ng tatlong dekada.

Leave A Reply

Your email address will not be published.