Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Lloydie lampungan ayaw panoorin ni Neil

0 118

Sa latest vlog ni Neil Arce ay ni-rate niya ang mga past movies and teleserye ng asawang si Angel Locsin.

Ayon sa producer/businessman, honest daw siya kay Angel at sinasabi niya agad kapag hindi niya gusto ang ginawa nitong mga eksena sa isang proyekyo.

“Kasi, part ‘yan ng relationship namin, ‘yung pagiging honest,” aniya.

Bilang magaling na aktres naman talaga si Angel, matataas ang ratings ni Neil sa mga iconic scenes ng misis sa mga proyekto nito tulad ng The Legal Wife, The General’s Daughter, Lobo, Darna, Four Sister and a Wedding atbp. Either 10/10, 9/10 or 8/10 ang ratings niya.

Pero pagdating sa intense love scenes ni Angel with John Lloyd Cruz sa pelikulang Unofficially Yours ay 2/10 ang ibinigay na ratings ni Neil.

“Forward n’yo na ‘yan,” sabi ni Neil sa kanyang team. “2. Kahit anon’g acting niya diyan, 2 out of 10,” aniya.

Paliwanag ng mister ni Angel, “pag may mga ganyang eksena, siyempre producer din ako, nagdidirek din ako, naiintindihan ko ‘yan, pero advice ko sa iba, huwag n’yo na lang (i-torture?) ang sarili n’yo. Kung kaya n’yong huwag panoorin, huwag n’yo na lang panoorin” at nagtakip pa ng mata sa poster ng pelikula na poster na nakatakip ng dyaryo ang topless na katawan nina Angel at Lloydie.

Sa huli ay pinakita naman ng team kay Angel ang video ng mga ratings ni Neil at pinag-react nila ang aktres.

“Anon’g 2 out of 10?” sabi ni Angel sa ratings ni Neil sa Unofficially Yours.

Tinawag niya si Neil at kunwa’y sinisita pero umiwas si mister at sey nito, “kain lang ako.” Hahaha.

@@@

Jolina target simsimin ang kilikili ng asawa

Nagdiwang ng kanilang 10th garden wedding anniversary ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta kahapon .Ang bongga ng ginawang mahabang anniversary greetings ng aktres na ipinost niya sa kanyang IG.

Inisa-isa ni Jolens ang mga sweetness at pag-aalaga sa kanya ni Mark

“As promised.. eto na ang continuation. Today marks our 10th Garden Wedding Anniversary.10 years na.. pero……Hanggang ngayon nagigising parin ako minsan sa umaga at napapatitig sa kanya at sobrang nagpapasalamat sa Panginoon na sya ang katuwang ko sa buhay.…Hindi ko parin maiwasan na mastarstruck lalo na pag tumutugtog sya at gumagawa ng kanta.

“Napapakilig parin nya ako sa mga small messages na naka sulat sa post it at biglaan gift at surprise kahit walang okasyon.…Sya parin ang tagapagpaalala sakin na inumin ang mga vitamins na dapat kong inumin.… Sya parin ang nagpapakita sakin na kahit may pagdaanan kaming mabigat (bilang mag asawa o sa sarili namin), dapat lagi paring lawakan ang pagiintindi at maging positive na masaya ang buhay.

“Pag masakit ang ulo ko, kahit anong ginagawa nya, iintindihin nya muna ang sitwasyon ko (prepare ng yelo para sa ulo, check BP, monitor ng gamot). Pinaparamdam nya sakin na dapat nagpapahinga ako kasi hindi ako si wonder woman,” bahagi ng post ni Jolens.

Sinabi rin ng aktres ang bagay na hindi pa niya nagagawa kay Mark na nasa bucket list niya.

“Hindi ko parin masimsim ang kili-kili nya!! Hahaha! Nasa bucket list ko yun!😂” aniya.

Patuloy niya, “at marami pang iba na nagpapagaan ng loob ko kaya ang lagi kong dasal ay sana mas humaba pa ang buhay namin mag asawa dahil maraaaaaaming marami pa kaming gustong magawa bilang mag asawa at bilang magulang.

“Happy 10 mahal.. ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko. Mahal kita habangbuhay.❤️ (E yung naiyak ako.. Thank you talaga Lord!).”

Leave A Reply

Your email address will not be published.