Abante Tonite Interactive

Angel Locsin kinagat ng aso

881

By Jun Lopez

Sa Instagram stories ng “The General’s Daughter” lead actress na si Angel Locsin, makikita na may sugat siya sa kanyang baba.

Aniya, “Ano bang nangyayari sa ‘yo ha?! Nakagat ka pa ng aso!”
Kailan lang ay may photo din siya na tila may black eye siya.

Hindi tuloy maiwasan ng mga fan na mag-isip. Tinatanong kung may nananakit ba sa kanya? Nag-aaway, nagkakasakitan ba sila ng boyfriend na si Neil Arce?

Pero ayon kay Angel, okay naman daw siya.

Ayon sa aktres, ‘battle scars’ lang ang mga ito.

Pero marami pa rin ang nagwo-worry, na dapat daw ay magpa-inject na siya ng anti-rabies hangga’t maaga. Delikado kasi ang kagat ng aso lalo na kung tag-init.