Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel mamimigay ng gamit sa mga binaha

0 140

Nakiuso na nga rin si Angel Locsin sa mga artistang nagba-vlog dahil may YouTube channel na rin siya with her fiancé, Neil Arce. Aminado ang aktres na hindi siya talaga kumportable mag-vlog at wala siyang hilig na kunan ang sarili.

“Medyo may pagka-introvert ang ate mo talaga,” sey ni Angel kay DJ Jai Ho sa panayam nito sa kanya sa We Rise Together online talkshow.

“So, hindi ‘yan ‘yung parang first option ko na gawin. ‘Yan ‘yung truth ha? I mean, ang dami nang gumagawa ng vlogs, hindi pa rin kami nandodo’n because hindi pa rin kami ganu’n ka-comfortable pa.

“Kami ‘yung tao na hindi nagpi-picture sa sarili, wala kaming masyadong pictures pag lumalabas kami, ganyan.”

Nagsimula raw nilang maisip mag-vlog nang magkaroon ng retrenchment sa ABS-CBN.

“Pero nun’g nagkaroon ng retrenchment sa ABS-CBN, inisip namin, ‘bat di tayo gumawa ng vlog para mabigyan natin ng trabaho yung mga nawalan ng trabaho, kahit paano makapag-provide tayo. So, du’n kami nagsimula,” pahayag ng aktres.

Bukod dito, para magamit na rin daw itong platform to raise awareness at makapag-give back din sa mga tao.

Marami ngang naaliw sa vlogs nina Angel at Neil lalo na nga ‘yung “ghosting” episode with Bea Alonzo.

Ngayon daw ay may ginagawa silang bagong vlog ni Neil kung saan ay mamimigay sila ng pamasko sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

“Karamihan ng mga ginagamit nila sa pang-araw-araw, ‘yun ‘yung nasa first floor. Eh ‘yung baha sa iba, umabot hanggang 2nd flr. So, ‘yung mga electronics nila, nawala talaga, na-wash out talaga ‘yun.

“So, gagawa kami ng isang episode, ang title natin is “Simpleng Regalo Para sa Maagang Pamasko.” So, maggi-give back tayo ng ilan sa mga kagamitan natin na brand new siyempre, mga appliances. So, ‘yun ‘yung next namin na ipalalabas,” aniya.

May mga collaborations na rin daw silang naiisip with other vloggers pero hindi pa lang daw natutuloy because of the pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.