Abante Tonite Interactive

Angel mas galante kay Luis sa kalamidad

0 1,284

Hindi nakaligtas ang TV host-actor na si Luis Manzano sa pagmamaldita ng ilang netizens.

Naging kontrobersyal kasi ang pagbebenta nito ng face mask sa kasagsagan ang pagputok ng Bulkang Taal. Binigyan ito ng kulay ng ilang bashers.

Bagama’t idinepensa ng aktor na hindi nila sinasamantala ang publiko dahil ang Cambridge masks na ibinebenta nila ay reasonable naman ang presyo, hindi pa rin siya tinatantanan ng pamba-bash ng ilang netizens.

Katunayan, ikinumpara siya sa kanyang ex na si Angel Locsin. Malayong-malayo raw ang ugali pagdating sa umano’y pagiging matulungin at bukas-palad na to the rescue agad sa mga biktima ng kalamidad. Si Angel, nagpapadala ng ‘aid’ na wala diumanong hinihintay na kapalit.

Hirit pa ng mga netizen, kung gusto raw talaga nitong makatulong ay dapat nag-donate na lang ito ng face mask kesa ibenta. Lalo pa’t maituturing namang constituents niya ang mga nasalanta dahil anak siya ng Batangas congresswoman na si Vilma Santos-Recto. (Archie Liao)