Abante Tonite Interactive

Angel na-miss ang laplapan kay Tony

654

Naging patok ang tambalan nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa digital series na “Glorious”.

Katunayan, naging usap-usapan ng madlang pipol ang kanilang laplapan sa nasabing May-December love story.

Ito rin ang parang nag-establish para mabuhay muli ang ganitong klase ng tema sa ating mga pelikula.

Ayon kay Angel, willing daw siyang i-reprise ang kanyang role sa naturang series na napanood sa iWant kung sakaling gagawan ng kanilang producers.

Game rin daw siyang magpaka-daring kung kinakailangan.

May tsika nga na nami-miss na diumano ng aktres ang laplapan nila ni Tony.

Gayunpaman, feeling naman niya, tapos na ang kuwento ng story nila ng aktor sa nabanggit na proyekto.

Happy naman siya na marami ang na-inspire sa May-December romance nila ng Kapamilya hunk actor sa “Glorious”.

“Just like any love story, marami namang different versions,” aniya. “Pero, I’m glad na kami ang nauna,” aniya. (Archie Liao)