Abante Tonite Interactive

Angel nag-walk out sa sariling serye

775

Balitang nag-walk out si Angel Locsin sa taping ng Kapamilya teleserye niya na “The General’s Daughter.”

Ayon sa source ng Tonite, bigla umanong umalis si Angel sa set ng nasabing primetime drama series kaya nagulat ang mga co-star nito.

Hindi pa gaanong malinaw ang dahilan ng diumano’y pagwo-walk out ni ­Angel, pero ang dinig ng ­aming source ay nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan ang Kapamilya ­actress at ang direktor ng programa na si ­Manny Palo.

Tila matagal na raw may isyu sa pagitan ng dalawa at isa raw sa mga dahilan nito ay ang istilo ng pagtatrabaho ni Direk Manny.

Diumano ay mahilig sumigaw at magmura sa set ang nabanggit na direktor, na hindi nagugustuhan ng mga katrabaho nito.

Hindi pa tiyak kung ito nga ang naging dahilan ng pagwo-walk out ni Angel sa ­taping dahil as of this ­writing ay hindi pa sumasagot ang tinanong ng aming source na tagakampo ng “The General’s Daughter.”

Bukas ang pahina ng Abante Tonite para sa side ni Angel at ni Direk Manny Palo hinggil sa isyung ito.