Abante Tonite Interactive

Angel nagbebenta ng bag

By
3,885

Nagbebenta ng kanyang personal na gamit si Angel Locsin. Hindi dahil naghihirap ang Kapamilya actress o sobra-sobra na ang kanyang mga gamit kundi gusto niyang makatulong sa isang foundation.

Umiral uli ang kabayanihan at kabutihan sa puso ng aktres.

Isa sa mamahalin niyang bag ang ibinebenta nito sa social media para i-donate sa Lingkod Kapamilya Foundation ng ABS-CBN 2.

Naka-post sa Instagram wall ni Angel ang kanyang pana­wagan. Ang kanyang caption ay @therealangellocsin, “Hi Kapamilya! Help me raise funds for ABS CBN Lingkod Kapamilya Foundation by selling off my bag (ROYAL PURPLE AND GOLD TONED LEATHER YVES SAINT LAURENT ‘MUSE’ ZIP SATCHEL HANGBAG LARGE..” at isinulat pa nito ang iba pang detalye ng bag pati na ang authenticity nito bilang original.”

Higit sa P100K ang halaga ng bag base sa ilang mga online sel­ling luxury items.

Hindi ito ang ­unang pagkakataong nagbenta ng kanyang personal items si Angel para lang i-donate sa mga nangangailangan.

Noong 2013 idinonate ni Angel ang 1970 Chevrolet Cheville para sa pagpapagawa ng eskuwelahan na nawasak ng bagyong Yolanda.

Ibinigay ni Angel ang nasabing sasakyan sa Sagip Kapamilya para ang mga ito na ang magbenta at gamitin ang funds para sa mga nasalanta ng bagyo.

Dahil sa panibagong kabayanihang ginawa ni Angel, marami na naman ang humanga partikular na ang mga follower niya sa Instagram.

@lee_waldz, “not only beautiful inside and out..she also has a good heart.. if I remember correctly she also sold her vintage car and the proceeds went to charity..@therealangellocsin.”

@heyitsmerexybeybee, “You really are an angel. You have such a big heart angel. Love You.”

@sheillaparr, “That’s why I really admire you the most because of ur big heart to the needy pipol. God bless u always @therealangellocsin.” (Rey Pumaloy)