Abante Tonite Interactive

Angel humingi ng tawad sa pangangampanya kay Koko

0 1,128

NI: ALWIN IGNACIO

Siguro naman alam niyong hindi kay Coco Martin diring-diri ang nag-iisang Angel Locsin, kundi sa isang senador na marami munang paliwanag ang ginawa bago nahimasmasan at nagbigay ng paumanhin.

Si Locsin, na kinampanya pa man din ang salarin, paumanhin ang hiningi sa lahat at sising-sisi na ikinampanya pa niya ito.

Sabi ni Angel sa isang tweet: “Yes. Super. Mortal sin. Patawarin niyo po ako bilang ex-husband siya ng pinsan ko.”

Iyan ang maganda kay Angel. She owes to her mistake. Hindi nagpapalusot. Agaran, humihingi ng paumanhin at alam mong sinsero.

Isang ring malaking “Eeewww”ang reaksyon ni Locsin sa iresponsableng galawan ng lalaking ito.

Si Angel, kung ano-ano na ang ginagawa at binibigay para guminhawa at gumaan ang kalagayan ng mga frontliner, pati na rin ang grassroots people at economically disadvantaged, kaya nga siya ang tunay na Darna para sa madlang pipol at dabarkads. Kahit wala talaga ang bato mula kay Ding, ang pambihira niyang lakas ay galing sa kanyang puso na punong-puno ng pagmamahal sa mga nangangailangan.

May kaparasuhan kayang ipapataw sa nasabing nilalang? Aasa pa ba tayo?

Mabuhay ka Angel Locsin, tunay kang pambihira.