Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel nagsisi na binoto si Digong

0 159

NI: MILDRED A. BACUD

“Hindi ako uupo at mananahimik lang, ” ito ang palabang sagot ni Angel Locsin matapos ang pagpapasara sa ABS CBN last Tuesday sa bisa ng Cease and Desist order na inisyu ng National Telecommunications Commissions (NTC).

Matapang na Angel ang ating nakikita ngayon, na kung bibisitahin ang kanyang IG account ay sinasagot na niya ang mga basher.

Hindi niya inurungan ang nagsabing ‘wag daw magpagamit ang maliliiit na manggagawa sa mga artistang katulad nila ni Coco Martin na hindi naman pinaglaban ang kanilang security of tenure at nabubuhay ng marangya.

Banat ng aktres, “LOL, ask them kung totoo yan.Also, wala ako sa payroll para mabuhay lavishly.”

Isang netizen naman ang nagtanong kung bakit walang nagawa ang mga Aquino sa usaping ito gayong 2014 pa ito at kapartido daw ng network ng aktres si PNoy.

Sagot ng aktres, ” Yan talaga ang priority mo ngayon? Anyways, last time I checked, wala naman pong Aquino dun. Ako I voted for Pres. Duterte, na I’m regretting dahil sa mga fanatic na atake lang ng atake, imbes paamuhin niyo yung tao, nilalayo niyo lalo.”

Dahil dito, dalawa na ang pinagsisihan ni Angel. Bukod sa pagboto kay Pangulong Duterte , nagsisisi rin siya sa pag-endorso kay Senator Koko Pimentel nang magkalat ito sa ospital.

Leave A Reply

Your email address will not be published.