Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel namundok

0 236

Totoong namundok si Angel Locsin pero hindi bilang isang komunista.

Umakyat siya para turuan ang mga bata sa kabundukan 11 years na ang nakaraan.

Bumisita noon ang aktres para sa kanyang charity works sa Lianga, Surigao del Sur .

Sey nga ng netizen, kung NPA raw si Angel bakit nu’ng 2009 ay hindi na-issue ang aktres? Kahit daw nu’ng tuligsain niya ang pagpatay sa mga Lumad?

SM food to go Banner Ad

Kahanga-hanga raw ang isang sikat na kagaya ni Angel na inalam ang kalagayan ng mga lumad kaya sumadya siya sa bundok noon.

Oo nga naman!

Sheena pinaiyak ng mister

May sweet anniversary surprise na natanggap ang Kapuso actress at soon-to-be mommy na si Sheena Halili mula sa kaniyang asawang si Jeron Manzanero.

Ibinahagi niya ito sa kaniyang latest vlog na “Our 3rd Anniversary.” Akala ni Sheena ay simpleng celebration lang ang pagsasaluhan nila, pero sa dulo ng video ay napaiyak na lang si Sheena sa regalong ibinigay ni Jeron na picture frame na kasama ang sonogram ng baby nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.