Abante Tonite Interactive

Angel inintriga na ka-live in ang dyowa

869

NI: ARCHIE LIAO

Idinenay ni Angel Locsin na nagli-live in na sila ng fiance na si Neil Arce.

Ito ang naging reaksyon niya nang mabasa niya ang tweet ng isang tabloid (hindi ang Abante) na “Nagli-live in na ba sina Angel Locsin at Neil Arce?”

Sumagot ang Kapamilya actress na “Kaloka ang headline nyo”.

Bagamat nag-sorry kay Angel, hindi tinantanan ng nasabing tabloid sa pag-uusisa ang actress tungkol sa real score nila ni Neil.

Deretsahan namang nag-reply si Angel na:

“Di ba kayo nag re-research? Ikakasal kami. Magkapitbahay. Magkatabi yung building sa iisang residential condo. Hindi ba binasa ng editor nyo yung sinulat bago magisip ng headline?”.

Tonite – Wendys Inhouse Ad