Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Neil kasal na

0 192

NI: VINIA VIVAR

Officially Mrs. Angel Arce na si Angel Locsin dahil kasal na siya with Neil Arce. Inanunsyo nila ito sa YouTube vlog na in-upload nila sa kanilang channel kahapon.

May titulong “Lipat Bahay Gang” ang vlog at naglalaman ito ng pagi-empake nina Neil and Angel para lumipat sa bago nilang bahay. Sa nasabing vlog ay hindi pa sila kinakasal although you could see na the wedding was just around the corner.

Sa dulo ng vlog ay mababasa ang kanilang announcement about the marriage.

“Oh by the way. . .since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We got married!!!” it stated.

Kasunod nito ay ang series of photos na kuha mula sa kasal. It was a simple civil wedding na dinaluhan lang ng kani-kanilang pamilya at malapit na kaibigan.

Bagama’t hindi sinabi kung kailan, ginanap ang kasalan sa office ni Taguig Mayor Lino Cayetano at siya mismo ang nagkasal sa dalawa.

Makikita rin sa mga larawan kung gaano kasaya sina Angel at Neil at nagkakatuwaan pa sila during the wedding.

Minutes after the vlog was uploaded ay ang kaibigan naman ni Angel na si Dimples Romana ang nag-post sa kanyang Instagram page. Sa larawan ay makikita sina Neil and Angel sharing a wedding kiss. Nasa photo rin si Mayor Lino.

“In case you missed the end of their VLOG 😆🤣 May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce 🥰😍💍🤍 @therealangellocsin,” ang caption ni Dimples.

Dumagsa naman sa comments section ang pagbati sa newly-weds mula sa mga kaibigan nila in and out of showbiz.

Congrats Neil and Angel!

Leave A Reply

Your email address will not be published.