Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Neil keri na 2 anak

0 71

NI:VINIA VIVAR

Nagbigay ng update sina Neil Arce at Angel Locsin sa kanilang nalalapit na kasal sa interbyu nila sa Sakto Teleradyo .

“Tuloy naman, kailangan lang may mga ayusin, of course, there’s the threat of the new strain (of corona virus) nga di ba? Tapos may mga bagong protocols tayong dapat sundin para safe po ang lahat. Ayun ‘yung mga inaayos naman siya,” sabi ni Angel.

Ayon pa sa aktres ay hindi pa raw nila talaga ma-announce dahil hindi pa rin daw nila nasasabi sa pamilya at sa iba pang guests.

Aminado siyang hassle talaga ang nangyari dahil bago pa man nga magkaroon ng pandemic ay plantsado na ang lahat sa kasal nila na dapat nga sana’y November last year. Pero kinailangan nilang baguhin lahat at magsimula sa zero nang pumutok ang pandemya.

Nang matanong kung ilang anak ang gusto nila, ayon kay Neil ay maliit lang na pamilya ang gusto nila at isa or dalawa ay okey na.

“Basta kung anon’g bigay ni Lord, ayaw naming i-pressure ang sarili namin. Pero sana 1 or 2 lang,” sey naman ni Angel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.