Abante Tonite Interactive

Angel, Nora, Janice worst dressed sa Sine Sandaan

897

Ang BFF kong haute couture designer, si Albert Fontanilla, ay parang may field day sa kanyang mga comment patungkol sa mga damit na sinilayan sa katatapos na “Sine Sandaan” shindig.

Sa best dressed muna tayo, true to her campaign of living well is my best revenge, para sa kanya ang all black number ni Bea Alonzo ay “sleek and sttopunning.”

Pasok sa like niya ang ecru top at tinalak long skirt na mas lalong kinaganda ni Ms. Eula Valdez.

Age appropriate at every inch a stateswoman talaga ang arrive ni Lani Mercado. Simply elegant.

Best black numbers rin for him ang plunging neckline black dress ni Anne Curtis, ang kay Angelu de Leon at ang may pakaunting pasalip ng wow legs terno ni Jean Garcia.

Smitten siya sa magandang hulma sa katawan ng black barong na suot ni Alden Richards.

Eto na ang worst: “Modern LOLA Filipiñana! Parang may 10 na silang anak pareho.” Para ‘yan kay Angel Locsin at Liza Diño.

Sa dress ni Angeli Bayani, “Lahat MALI sa larawang ito!…. Paso lang ang TUMAMA… sa gitna!!! TAK… TAK… TACKY!”

Para kay Nora Aunor. “Remake ba ng T-bird at Ako Ate Guy?… Hanggang diyan na lang, isa ka namang BUHAY na ALAMAT!”

Ang kanyang masasabi para kay Rufa Mae Quinto at Atak, “Nagpapatawa lang po siya! Tawanan niyo na lang!…. silang dalawa pala.”

Sa gold number ni Shaina Magdayao, “Next time MAGPATAHI nang MAY BAYAD para hindi NAPAGLALARUAN.” Ay best in ex deal ang gusto. Ang savage!

Sa tambalang Marvin Agustin at Jolina Magdangal, “Si Jolens sumobra sa tela,,,, si Marvin kinapos sa tela… Bagay nga sila!”

At kay Janice de Belen, “Kala niya Hawaiian ang theme!!! Ayaw ni Atienza ng ganiyan Janice!”

May tatlong worst dresses choices si Albert na hindi ko sinang-ayunan. Naka-public naman kaya matutukoy niyo kung sino.