Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel palpak magluto

0 97

NI: VINIA VIVAR

Sa latest YouTube vlog ni Angel Locsin ay ipinakita niya ang iba’t ibang ginagawa niya para maka-cope up sa pandemic. Isa na nga rito ay ang pagluluto.

Sey niya, “do things that you love even if they sound crazy. Find ways to connect with other people outside your bubble.” Habang sinasabi niya ito ay ipinapakita niya ang pag-aalaga at pagpapakain niya sa kanyang mga manok na pinangalanan niyang Angelica at Bea.

“Learn a new skill. Kahit na ba hindi ka magaling,” she added. At ipinakita nga niya ang kanyang pagluluto.

Nang matapos ang putahe na niluto ay tinikman niya ito at napangiwi siya. Halos maiyak siya sa katatawa na may halo rin marahil na pagkadismaya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Maasim! Hindi siya masarap,” tawa nang tawa niyang sabi.

Nang ihain at ipakain naman niya ito sa asawang si Neil Arce ay mukhang sarap na sarap ang mister.

“In fairness, ha! Masarap nga!” sabi ni Neil sabay kindat sa camera meaning, echos lang na masarap.

Siyempre nakita ito ni Angel kaya kinuha niya ulit ang pagkain sa asawa at mag-order na lang daw sila ng food. Hahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.