Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel pina-COVID test ang inarestong tsuper

0 321

NI: ROLDAN CASTRO

Nag-post si Angel Locsin sa Instagram ng larawan ng isang jeepner driver na kamakailan ay inaresto sa Caloocan dahil sa pagprotesta. Ito’y si Elmer Cordero na pinakamatanda sa nahuli.

Caption ng aktres, “Dahil sa pagsuporta nyo sa Shop and Share, natulungan nyo po sila Tatay na kasama sa grupo ng jeepney drivers at operators na na-expose sa COVID-19 upang makapagpa-test sa Red Cross noong Miyerkules.

“ Marami pa po sa ating mga kababayan na tulad nila ang inyong matutulungan. Taos puso po ang aming pasasalamat. @shopandshareph.” (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.