Abante Tonite Interactive

Angel pinatawad ang utak ng P200M death threat

0 597

NI: MILDRED BACUD

Sa Twitter account ay sinagot ni Angel Locsin ang isang netizen na nagkuwestyon sa kaniya sa pagtawag niya ng atensyon sa NBI. Matatandaang nagparinig ang aktres sa kaniyang post sa IG at sinabi nitong ” Hello NBI beke nemen po.”

Matatandaang sa IG account ng aktres ay ipinakita niya ang mga screenshot, kung saan ang unang netizen ay nag-alok ng P200 milyon na pabuya sa sinumang papatay sa kanya at sa kapwa Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Coco Martin.

Ang isa pang netizen ay inakusahan naman si Angel na taga-suporta ng New People’s Army (NPA).

“Angel Locsin is NPA supporter, kaya hindi dapat paniwalaan sinasabi ng babaeng ‘yan,” saad nito

Sabi ng may account na Luke@PinoyTayoBlog, “Humingi ng saklolo ang babaeng maingay na Angel Locsin. Gusto raw niyang ipaaresto yung mga nagsasabing NPA supporter siya. So ano ang mga larawang ito? ”

Kasama sa post ang mga larawan ni Angel with pamangkin na si Atty. Neri Colmenares at ilang personalidad na kilala umano sa pagtuligsa sa gobyerno.

Sagot ng aktres sa post na ito, “Are you accusing @ColmenaresPh na NPA siya? At ako rin?Kaya mong ilabas ang pangalan mo para mapatunayan natin?”

Samantala, sa kanyang latest post pa rin sa Twitter ay nagpasalamat ang aktres sa NBI for reaching out sa death threat sa kanya.

Post niya, “For now, ipag-pray ko muna ‘tong mga taong ‘to. Ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon sa kung anong pwede kong ikaso sa kanila. ‘Pag umulit, hindi ko sila aatrasan.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad