Abante Tonite Interactive

Angel pinatunayang ‘di inutil

By
0 182

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Bago pa ipalabas ang “The General’s Daughter,” mara­ming mga bulag na pitak na nagsasabing si Angel Locsin, ay so not so physically fit at hindi nababagay na bigyang-buhay ang katauhan ni Rhian Bonifacio.

Kaya tiyak ang mga dudosa at katkatera, bumagsak ang panga dahil nga sakdal ganda at walang dudang nagmumura ang alindog ni Locsin nu’ng humarap sa press payanig para sa inaabangang teledrama kung saan bidang-bida si Locsin.

Pahayag ni Locsin, ­“Tamang panahon na naman talaga para sa Pinay na action heroes. Masaya nga ako na sina Anne Curtis, Erich Gonzales, I think pati si Rhian ­Ramos, nag-a-action. Binubura na ‘yung nakasanayan na ‘pag babae, dapat lagi lang siyang inililigtas o kaya parang sexy decoration lang sa isang action movie. Ngayon, dahil sa mga action films and TV series, ito ‘yung contribution namin sa women empowerment. Hindi na pa-victim ang mga babae, ­kumakasa na.”

Abante Hiring – IT dep

Ang mga action heroines pala ni Locsin ay sina Angelina Jolie at si Gal Gadot. Alam naman ­nating lahat na super fierce si Jolie bilang Lara Croft sa “Tomb Raider” at ­super demi goddess naman si Gadot bilang si Wonder Woman.

Ilan sa mga mahuhusay na kasama ni Angel sa action drama serye ay sina Albert Martinez, Tirso Cruz III, Maricel Soriano, Eula Valdez, Janice de Belen, JC de Vera at ang papa can you hear me ko, si Paulo Avelino.

Pag-amin ni Locsin, “Dahil sa mga magagaling kong co-actors, handa ako, inspiradong-inspirado at talagang more than my best ang binibigay ko kasi ayokong mapahiya sa kanila. I am always on my toes kasi a part of me, gusto na matuwa sila sa ginagawa ko. Hindi ko tinatanggi, hindi lang may kaba, may takot ako. Pero ito ‘yung good kind of fear.

Mas mabuti na may ganitong pakiramdam. Mas nakakatakot ‘pag wala kasi ibig sabihin nu’n, OA ang confidence ko sa sarili ko at mga kakayahan ko.”

Masaya rin siya na karamihan sa mga action sequence wala siyang stunt double. Proud rin si Angel na kung ano man ang health scare niya from the past, nalagpasan at napagtagumpayan na niya.

Sabi niya, “Masarap sa pakiramdam na because of disciplined choices, you were able to strengthen your body. That’s why it’s fulfilling. You’re not just doing this so you can say that you can do it. Maybe I needed to prove to myself na ‘Gel, ‘di ka pa inutil ha.’ Alam mo ‘yun? ‘Gel, ‘di porke’t nasabihan ka ng ganyan, wala ka nang future, wala ka nang magagawa, ‘di ka na puwede maging active.’ So ito, nilalaban ko.”

“Hindi madali ang mga pinagdaanan ko,” matatamis na ngiti ang pinakawalan ni Locsin matapos ang pahayag. “Dumating na ako sa puntong ginusto kong huminto na sa pag-aartista. Handa na nga ang resignation ko, ready na akong magsaka.

May ganu’n akong saloobin kasi hindi ko nagagawa ‘yung trabaho ko. I felt like I am big disappointment. Nahihiya ako kasi I’m paid eh. I thought that was the proper way to deal with it, buti na lang ‘yung mga boss sa ABS-CBN kinausap ako. Masinsinang usapan talaga.”

Pagtatapos ng pagtatapat ni ­Angel, “Sa totoo lang, very challenging talaga sa akin ‘yung five years na ‘yun. Daming nangyari kaya nu’ng pinost ko ‘yun sa Instagram, hindi para ipabalik sa ‘yo ‘yung mga memories, gusto ko parang sabihin na I’m human.”

Aniya pa, “May mga pagkakataon talaga na down na down ka pero by some divine grace, umaayos rin ang lahat, you always become better. Hindi makakatulong ‘yung sobrang pag-aalala lalo na sa mga bagay na wala kang magagawa na.

Sa mga may magagawa ka pa, sa mga maayos mo pa, du’n mo i-focus ang energy mo at gawin ang susunod na mga hakbang at plano. ‘Yun ang ginawa. I took on my steps and ‘yung opportunity na ibinigay, hindi lang pinagpapasalamat, ngayon pinagtratrabahuhan at mas lalong minamahal.”