Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel, Piolo, Kris pasabog ang tsika 2020

0 161

Ang mga tsika,ganap at personahe sa showbizlandia na talaga namang nagpadabog sa ating collective bangs ngayong pandemya year:

ABS-CBN ligwak ang prangkisa – alam naman nating lahat na isang malaking sarsuwela ang Congressional hearing at investigation. Masabi lang na dumaan sa proseso pero alam na alam na nating lahat na done deal na talaga ang pagbabasura sa prangkisa ng network sa Mother Ignacia. Hayaan na lang natin ang kasaysayan ang humusga sa 70 congressmen na maligayang-maligaya sa kanilang best in public service action.

Si Angel Locsin, ang Philippine’s best Darna ever ay “red tagged,” subject of body shaming at isang matandang bold star pa nang may pagbubunyag na umano’y “stockholder” si Locsin sa ABS-CBN .Dahil dito, grabe raw ang suklam nito na isinara ang kanyang kompanyang pinagtratrabahuhan dahil apektado ang finances nito. Of course, walang nanalig sa mga paratang at mas lalong na-endear si Angel sa lahat na mas left and right ang charitable activities para matulungan ang mga nangangailangan.

Suklam ang trolls kay Jennylyn Mercado dahil sa kanyang combative, intelligently written at empowered Twitter postings na ang pinatutungkulan ay ang madalas na nakakawindang na desisyon at plano mula sa gobiyerno nacional’s best and the brightest.

Best performance of course ang pagngalngal ni Kim Chiu matapos niratrat ng mga masasamang loob ang kanyang sasakyan. Super bashed pa dahil sa kanyang “bawal lumabas” hanash which she turned gold at ang earnings, ginamit para ayudahan ang descamisados at hoi pollois. Ang only fly in the ointment sa buhay ni Kimmy ay ang katotohanan na ang kanyang kasintahang si Xian Lim, sa tuwing may pangmalakasang ganap sa buhay niya, laging too late ang display of being a knight of shining armor. Marami tuloy ang may pananalig na all for show lamang ang kanilang “relasyon.”

Ang not so secret kasalan nina Signore at Signiorina Matteo at Sarah Guidicelli. Severed ang relasyong mag-ina nina Sarah at Mommy Divine kahit pa nga hindi na kailangan ni Geronimo ng blessing mula dito dahil nga of super legal age na sila ni Matteo. Date with the stork at ang dream wedding ang inaabangan para sa AshMatt power couple.

Ang pautot ni BB Gandanghari na inginunguso ang “closeness” nila ni Piolo Pascual na nangyari so many decades in a galaxy far, far away when Rustom Padilla was not yet dead. Papa P did not dignify the story at super negative ang reaksyon sa creative writing prowess ni Gandanghari

Ang hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre, ang JaDine hordes at fandoms, durog na durog ang puso. At ang nakakaloka sa hiwalayang iyon, sila lang ang mag-ex na seen constantly together. Hard habit to break at addicted to their love or a clear case of misery loves company.

Dahil nga bored in the house ang karamihan, ang daming on-line sensations na nagsulputan, andiyan ang Pump and Grind King na si DJ Loonyo na bongga talaga sa pagsasayaw, pero pag pinakakawalan na ang kanyang mga opinion, giveway away ang pagiging hari ng sablay.

Nagpakiliti, nagpatawa, at may ilan-ilan ring nabwisit kina Ms. Everything, Mimiyuuuh. Pipay at ang the rest of the tinagurian baklang kanal. Galit ang troll magsasaka sa kanila kasi nga ayaw paawat sa hanash na binabato nlla saga naka-upo sa dako paroon.

Isa namang kinalugdan sa digital universe ay ang businessman turned vlogger Wilbert Tolentino. Marami ang naaliw sa kanyang mga pa-pageant para sa mga kababaihan, homme at transwomen. Pinalakpakan rin ang kanyang pagtulong para sa entertainmet press at iba pang disadvantaged sectors na talagang ang kalinga at pagmamahal niya ang naging kaagapay para sa kanilang mga buhay.

Speaking of the digital universe, ang tinaguriang Digital Empress Kris Aquino, malaking alingasngas ang naunsyaming pagbabalik sa telebisyon. Sa kung anong di maipaliwanag na dahilan, ang all systems go na niyang comeback went down the drain. Siyempre pa lungkot at hinayang ang hatid sa kanyang followers.

Ang titulo na talagang hindi pwedeng isnabin ngayong 2020, si Yayo Aguila ang Laplap Queen! Juice colored! Hindi makalimot-kalimutan ang laplapan ni Aguila sa co-actor niyang si Royce Cabrera sa Fuccbois. Dila kung dila! Ngabngab kung ngabngab! Supsop kung supsop!

Of course, ang “cheapest publicity stunt” ang walang patumanggang paggamit sa pambihirang palo-palo, na pinagdedebatahin pa kung kanya nga ba o hindi, ni Paulo Avelino para mas lalong paingayin ang kanyang pelikula. My gosh, may eme pa ang film outfit niya na dapat daw hindi pirated ang panoorin para makita in high definition ang pagkakalaki ni Avelino na ihi ang lumalabas,

How low can you go para lang pag-usapan at dumami ang sales? Eeewww! Tapos prosthetic naman pala. Hahahaha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.