Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel pumalag sa prangkisa habol

0 151

NI: BETH GELENA

PALAPIT na nang palapit ang eleksyon kaya naman marami na ang pumupuna sa mga celeb na ini-endorso nila.

Tulad na lang sa aktres na si Angel Locsin

Ipinost ng aktres ang komento ng isang netizen hinggil sa pagsuporta niya sa isang presidentiable.

Ayon sa basher: mars @143redangel Save the nation not the station.”

“May prangkisa o wala, kay___ ako :). Mahal pa rin kita ate:),” ang sagot ni Angel.

Hindi naman masisi ang opinyon ng mga netizen.

“Your conviction, your choice, your vote.”

May kahulugan naman ang komento ng isang ito at tinawag pang ate ang aktres

“Gogogo ate angel, one of the stockholders ng abs”

Kaya may nagtanong, “And your point is?”

“na baka may agenda si Angel?”

Sey naman ng isang empleyado ng network.

“FYI bago pa magka issue ang abs cbn nabenta na ang stocks ni angel na napaka liit lang at na donate sa mga employees pinaghatian. At yes isa ako sa nabigyan”

Hindi um-agree ang isang netizen sa reply ni Angel, “Cringe naman yung may prangkisa o wala. Pwede ba?”

“Kung may agenda si Angel dapat nagtatakbo ng senador yan”

“Jusko, mas malaki pa ang nadonate ni Angel kesa dyan sa stocks na yan. 🙄 Mga Pinoy tlaga basta nlang ngawa ng ngawa, mga ignorante nman ang karamihan.”

Dahil napunta na ang diskusyunan ng mga netizen sa pagpapasara sa ABS naglabas na sila ng kani-kanilang opinyon.

“It makes sense kasi company nila yan. Kung ikaw ba mapasara ang kumpanya mo na pinagtatrabahuan mo ng ilang taon at bumuhay sa pamilya mo, di mo ba nanaisin na mabalik to? Ganun naman talaga. Let’s admit it, andaming na displaced na mga artista ng ABS let alone yung mga crew & staff when the station closed, in fact, andaming hanggang ngayon ay di nakahanap ng malipatan. Maswerte na yung iba na kinuha ng ibang istasyon papanu naman yung mga hindi?

So, mabi-blame ba natin sila if ganun ang rason nila bakit sila kakampink?”

“Anong problema kung maibalik ang franchise? May mamamatay ba?”

May kumestyon naman sa ID user ni Angel kaya in-itimized ng isang netizen ang meaning ng @143redangel.

“EXCUSE ME 143redangel, 143 is ang hotline number ng red cross! Redangel bec angel is a volunteer of red cross! Dekada na! Mahiya naman kayo I’m also a volunteer ng red cross.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.