Abante Tonite Interactive

Angel sobrang hanga sa maturity ni Richard

By
4,319

NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa lahat na sumuporta sa kanya sa La Luna Sangre, kaya patuloy pa rin siya sa pagpo-promote nito dahil napamahal na sa kanya ang naturang teleserye.

Ang isa lang sa dahilan kung bakit masaya siya rito sa La Luna dahil nakatrabaho niya uli si Richard Gutierrez at ang laki raw ng ipinagbago nito.

Kuwento ng Kapamilya actress: “Iba kasi ‘yung pakiramdam na ‘yung kasabayan mo sa trabaho, makikita mo ‘yung malaki ang in-improve, tapos sinisigawan ng mga tao pa rin, hinahangaan pa rin ng mga tao.

“So, parang mapa-proud ka na kasabayan ko ‘to, and si Chard kasi hindi lang nag-mature as an actor kundi sa buhay…sa real life niya.

“Ang pinag-uusapan namin about Sarah, about Zion, ang baby nila kung ano ‘yung plano, saan na mag-aaral, susunduin niya the next day. Ganu’n na ‘yung usapan namin. Hindi katulad nu’ng dati, ‘yung saan tayo pupunta, anong oras ‘yung call time natin, ‘yung ganu’ng small ano…nakikita mo ‘yung maturity niya sa set.

“Ang galing-galing na niya umarte, nakakatuwa. Pero nandun na yung isang tingin lang namin, hindi namin sinasadya, basang-basa na namin ang nuances ng bawat isa.”

Kaya posibleng makakatrabaho ba niya kaya uli si Richard sa susunod na teleserye na gagawin niya?

Meron na nga raw kasunod na gagawin si Angel bukod sa Pilipinas Got Talent, pero hindi pa raw niya puwedeng i-share sa ngayon.