Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel sumabog sa mga gigil sa Dos

0 988

Binasa niyo na ba ang open letter ni Angel Locsin? Palakpakan na may kasamang sigawan para sa real life Darna kasi nga well written ang kanyang sulat para sa the best and the brightest na siyang nagpapatakbo sa gobyerno nacional.

Short, direct at full of impact ang bukas na liham ni Locsin para sa kasulukuyang movers and shakers of this great Republic.

Hindi lang naman si Angel ang frustrated sa mga nangyayari tungkol sa network kung saan siya ang isa sa top actresses and superstars. Maliban sa frustration, hindi pwedeng i-qualify at quantify ang level of anxiety and disenchantment of the employees and all the artists na nagmamasid sa proceedings sa Kongreso.

Kaya nakakatuwa na may isang Angel Locsin na sinasambulat ang kanyang saloobin sa pamamaraang mahirap mapintasan dahil kapag iyong binasa ang kanyang liham para sa mga kinauukulan, she did not mince words and alam mong she meant what she wrote about.

Sa true lang, alam ni Angel Locsin na kakampi niya ang katotohanan kaya buong-buo ang kanyang pagiging totoo sa laban na kanilang hinaharap.

Editor’s Note: Narito ang nilalaman ng sulat ni Angel “Make sure you have plans for the many workers & business owners who lost their income. Ang daming time pag-initan ang ABS, i- prioritize pa ang re-naming ng airport, anti terrorist bill,pero ang kailangang marinig ay plano tungkol sa Covid & frontliners, plano sa edukasyon para sa mahihirap na walang access sa internet o magtuturo sa bahay, balik probinsya, OFW’s na stranded sa ibang bansa, kabuhayan ng nawalan ng trabaho,paano na ang tradisyunal na jeepney drivers? paano ang mga senior citizens? at sa kung anong kakaharapin ng masang Pilipino pagkatapos ng pandemya.Sincerely,

Taxpayer”

Nadine-Jobert grabe ang salpukan

Kung bakit kaniyo nagmamataray ang aktres na si Nadine Lustre sa kasulukuyan? Maari niyong alamin at saliksikin sa suki niyong search engine kung bakit hindi niya gusto ang mga pahayag ni seasoned entertainment columnist at showbiz personality Jobert Sucaldito.

Nasa demokrasya kaya dapat niyong alamin ang punto ni Lustre. Mainam din na inyong basahin ang saloobin ni Sucaldito. At kayo na ang magdesisyon kung sino ng ba ang nasa katwiran ang kanyang mga katwiran ang kung sino nga ba ang salat sa mabuting asal at tamang pag-uugali.

Ang grabeng salpukang ito nina Lustre at Sucaldito, masasabi bang perfect example ng generational differences? Mas magiging pangmalakasan ba ang mga palitan ng mga pahayag at mga salita mula sa dalawa? Ang binigkas ni Nadine na mali ang mga sinulat ni Jobert, must we take it hook, line and sinker? Absolute o universal statement ba ito?

Sa aking palagay, mas mainam na may mamagitan sa dalawa para hindi na lumala pa ang talastasang ito. Pag hindi na marubdob ang feelings, isang tao na pareho nilang nirerespeto ang dapat maging susi para sila ay magharap at mag-usap.Dapat silang magkaintindihan in the confines of a private space.

Ang dami na kasing hanash at kuda ngayong pandemya .Hindi na natin kailangan pa ang tarayan at tirahan between two highly opinionated individuals sa social media.

Ryza ‘di baog

Babae naman si Ryza Cenon, may matris at obaryo kaya big deal ba na buntis ang dating Kapuso StarStruck female survivor na ngayon ay dating Kapamilya starlet?

Ang dating kasi parang issue ito of national importance ang pagiging nanay niya kaya baka ma-insecure ang mga nagpanakula na baguhin ang pangalan of our airport, huh! Ayaw pa naman yata nilang natatalbugan at naagaw ang limelight sa mga payanig nilang walang kapararakan.

Ang big news diyan, kung by immaculate conception eh hindi naman ganun ang kaganapan. Hindi siya pregnant, with thoughts, but her five month all pregnancy is courtesy of the masigla and matabang punlay of her cinematographer lover.

Ang pwede lang tumalbog sa immaculate conception chika arc ay kung isda pala ang nasa kanyang sinapupunan. Ay! How vintage news na pang-Eye to Eye dati ni the late great Queen of Intrigues, Inday Badiday.

Ang bongga sa ganap na ito sa true lang, pinatunayan ni Cenon and her partner na hindi sila baog at pareho silang morally upright in a way they are celebrating the arrival of their child. A baby is always a blessing, hindi ba naman?

Kaya yung drama noon ni Ryza na she is single and married to herself, alam na alam nating best in drawing at talagang major, major kambal sa kiyeme.

Congratulations Ryza and we wish you and your partner the healthiest and happiest of babies.

Leave A Reply

Your email address will not be published.