Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel suportado ang demanda ni Liza

0 123

NI: VINIA VIVAR

Suportado ni Angel Locsin si Liza Soberano sa laban nito against Converge’s female employee na sinampahan ng kaso huli dahil nga sa “rape” comment nito kamakailan.

In her Twitter account ay nirepost ni Angel ang news item na nagsasaad nga na nagsampa na ng criminal case si Liza sa female employee. Sa caption, the actress wrote, “mahigpit na akap.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa pang nagbigay ng kanyang support para sa fellow actress ay si Alessandra de Rossi.

Tweet naman ni Alex, “matuto lang galangin ang isa’t isa online. Lesson na ito para sa lahat. Salamat, Liza. “kaso” is not good and magastos pa. So think before you make a nasty remark. Wala naman may kayang magsabi nun in person, lalong wag mo gawin online kung saan may ebidensya.”

Matatandaang ang female employee na nangangalang Melissa Olaes ay nagkomento ng “wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-rape sa mga…….ewan!”

Ang tinutukoy diumano ng empleyado sa kanyang post ay si Liza.

Leave A Reply

Your email address will not be published.