Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel tuloy ang giyera

0 684

Tuloy ang laban para kay Angel Locsin. Ito raw ang panahon para gamitin ang boses at ‘wag manahimik.

‘Yan ang pahayag niya sa vigil matapos na ‘di maaprubahan ang prangkisa ng kapamilya network sa Kongreso.

“Sa dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Sa dami ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung paano isisigaw,” bunagd niya.

“Pero ang alam ko lang, ito ‘yung panahon para hindi tayo manahimik. Ito ‘yung panahon na hindi tayo dapat magwatak-watak. Ipakita natin kung ano ang relevance ng industriya na ‘to, na hindi lang tayo basta entertainment,” deklara niya.

Nakiusap din siya na gamitin ang boses natin sa tama.

Saad pa niya:“Kailangan po natin ng isa’t isa, kailangan po natin magkaisa, dahil hindi lang po ito laban ng kumpanya. Buhay po ng mga tao ang nakasalalay dito…mga tao na may binabayaran, hinuhulugan, may pinapagamot, pinag-aaral, binubuhay na pamilya.

“Nakikiusap ako na magkaisa tayo. Iparamdam natin kung ano ang kayang magawa ng industriyang ito, pag tulong-tulong, kapag sama-sama,” sambit pa ng aktres.

Related Posts

Boom!

Sapul ni Ms. Gina Marissa Tagasa ang situwasyon ngayon na hindi naaprubahan ang prangkisa ng ABS-CBN 2.

Gusto namin i-share ang post ng nasabingTV writer

sa kanyang Facebook account.
“LAST NA ‘TO: (Gusto ko lang maglabas ng saloobin hindi dahil kumakampi o dumidepensa lang. Pasensya na. Mahaba.) Eleven Thousand. No. Not only 11 K. Chain reaction po yan. Maybe more. Yes,more–Management, Administrative, Engineers, Artists, Production, Creatives, Press people, Promo & Marketing, Service Suppliers, there could be more. Most of those who voted ‘NO’ do not even understand the nature of the work flow in a Network System. Baka akala nila upisina lang, pirma-pirma lang, utos-utos , meeting-meeting,chika-chika lang. Ay, hindi po ganon. Sa isang show maraming kumikilos, malaki ang WORK FORCE. Sa Creative Team lang po, maraming Writers po ang nagsasama-sama at nagpupuyat sa Brainstorming para maisulat ang isang Teleserye.

“Kung wala nang shows na itatayo, ano pang saysay ng Press or Vloggers’ Conferences? Saan mapupunta ang mga Artista at mga nangangarap na mag-artista,maging singer, ang mga kawawang bit players, extras? May mga tangay din ang mga yan , from their Managers to handlers to their fans na umaasa sa Entertainment at saya na nakukuha nila. Ang laki ng dent na ito sa Entertainment Industry. Kahit sa News and Public Affairs din po. Sasabihin ninyo na naman, hindi naman yung 11K na mawawalan ng trabaho ang issue dito kundi yung mga nilabag ng Network. Ok, fine. Teka…magkwentahan kaya tayo ng mga nilabag nung ibang buwaya at buwitre na hanggang ngayon ay nagsasamantala sa mga taxes na pinagpapaguran namin. Dadaan sandali sa Q & A portion, tapos? Ganun lang. Hindi naman natatanggal sa posisyon, bumabalik pa nga,e. May mali somewhere, everywhere…Sana fair. Sana all.

“Senator Stone, maghanap ba ikamo ng ibang trabaho? Kapag ikaw ba ay isang Artista,Production staff, Cameraman, Dancer, Writer ,Director,Musikero at yun lang ang alam mong trabaho at iilan lang ang Network na natitira, ganon kadali maghanap? Hindi naman po kami lahat pwede pumasok sa Pulitika. Ayaw po namin magpanggap na kaya namin. Lalo pa ngayon na ang dalang ng Pelikula? Tirik na ang mga mata, wala pang kita. Magtayo ka po ng Network tapos kunin mo lahat yung nadisplace. Produce kayo ng maraming shows. Madali, di ba po? Sorry, but my heart goes out to these people and their families you did not even consider sa mabigat na panahong ito. Hindi po DRAMA lang ito, realidad po. Sana makatulog po kayong lahat nang mahimbing ngayong gabi .

“Pasensya na po. Ngayon lang po nagbuhos ng sentimiento. Mapayapa po akong tao, hindi po ako mahilig sa word war pero……Taga – Telebisyon po ako. Mahal ko po ang Medium na ito. More than half of my life and career, dito na po lumago at lumawak . Ito na po ang ibinuhay ko sa pamilya ko at nakapagpatapos sa anak ko…Ilang taon na po ako sa TV pero ngayon lang talaga nangyari ulit ito na may nagsarang TV Station at hindi Martial Law..hindi po History ang tawag dito. Trahedya para sa kapuwa ko manggagawang taga-Industriya. Sa panahon na isang nakamamatay na Virus ang kaaway, maaga ninyong pinatumba ang mga lumalaban pa sa kahirapan ng buhay. Salamat po. ✌️#GODbeWithUs.”

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.