Abante Tonite Interactive

Angel tutulong sa mass testing sa ‘Pinas

0 452

Matapos mangalap ng pondo para sa mga ospital, nagbabalak ngayon si Angel Locsin na tumulong maisailalim sa coronavirus testing ang mahihirap sa bansa.

Kahapon, inanunsiyo ng “Darna” star sa Instagram na muli nilang bubuhayin ang “Shop & Share,” na auction ng mga personal na gamit ng mga kilalang personalidad.

Una niya itong nilunsad noong 2009 pantulong sa mga biktima ng Bagyong Ondoy.

“We would like to revisit the idea of artists coming together and helping those who need it the most. This time, with the funds we raise, we would like to purchase test kits and allow testing opportunities for the poorer sectors in the hopes of helping out in the efforts to provide mass testing in the country,” saad ni Angel.

“Yes, in support of mass testing. Because in this way we can make a higher impact, by pushing the TEST-TRACE-ISOLATE/TREAT formula that is the only proven way to defeat the virus,” banggit pa niya.

Noong Abril, binahagi ng aktres sa madla na nakalikom ng P11.35 milyon ang kanilang fundraising campaign na naghandog ng kabuuang 246 tent (225 isolation tent at 21 sanitation tent) para sa 135 ospital. (Riley Cea)

Tonite – Wendys Inhouse Ad