Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel type bilhan ng damit si Dennis

0 246

NI: VINIA VIVAR

Inilarawan ni Angel Locsin ang kanyang mga naging leading men na sina Dennis Trillo, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz and Richard Gutierrez sa panayam sa kanya ng celebrity hairstylist and vlogger na si Celeste Tuviera.

Aniya, si Dennis daw ay the quiet type pero magaling na aktor daw talaga and very professional.

Si Richard naman daw ay malapit talaga sa puso niya since sabay sila halos nagsimula at napakarami nilang pinagsamahan.

Si Piolo naman daw ay likas na mabait talaga.

Si JLC naman daw ay aktor talaga kaya nga raw ito John Lloyd Cruz. Isa raw sa pinakamagagaling na artistang nakatrabaho niya. Take 1 sa kahit ano’ng napakahihirap na eksena.

Pagkatapos i-describe ang apat na aktor ay nag-game naman sila na parang multiple choice. Kaaliw ang game na ang isa sa mga tanong ay kung sino ang bibilhan niya ng damit kapag nag-shopping siya.

“Si Lloydie, mahal ang mga damit, so no, ekis. Bibilhan ko, feeling ko si Dennis. Kahit matagal na kaming hindi nakakapag-usap kasi feeling ko, parang pareho kaming mahilig sa mga rock t-shirt, mga t-shirt type lang siya. Feeling ko, black and white t-shirt, ok na siya. Sobrang simple lang,” sey ni Angel.

Sa tanong kung sino sa apat ang isasama niya kapag magsu-swimming siya na kasama ang mga sharks.

“Chard. Kasi, he’s a diver din, eh,” sabi ni Angel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.