Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel type utangan si Aga

0 166

NI: ARCHIE LIAO

Game na sumalang sa “Choose Your Fighter” challenge si Angel Locsin sa vlog ng kanyang kaibigang si Celeste Tuviera.

Pinag-usapan sa naturang vlog ang mga naging leading men ng Kapamilya actress.

Isang hypothetical question ang naitanong sa misis ni Neil Arce.

Tanong ni Celeste, kung sakaling mabangkarote raw o maubusan ng pera ang aktres, kaninong leading man daw ba nito gustong mangutang.

Wala namang kagatul-gatol na sumagot si Angel na kay Aga Muhlach diumano niya bet mangutang.

Si Aga raw ang naisip niya dahil matagal na ito sa showbiz at marami nang naipundar.

Sina Angel at Aga ay nagtambal sa pelikulang “In The Name of Love” noong 2011.

Leave A Reply

Your email address will not be published.