Abante Tonite Interactive

Angel umaksyon agad sa mga Taal victim

0 480

Kung ang ibang artista ang drama ngayong nagngangalit ang bulkang Taal ay dinaraan sa panawagan para sa pagdarasal, na nasa tamang hulog naman talaga, iba naman ang pamamaraan ni Angel Locsin.

Hindi masyadong halata na ang babaeng kasama sa Forbes Asia Philanthropy List, ang gusto ni Locsin, aksyon, agad-agad. Kumilos sa pinakamabilis na panahon para makatulong sa mga nasalanta at may pangangailangan.

Panalong-panalo ang tanong niya sa Twitter: “Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong barangay at ilang families per barangay? Thank you.”

Alam na alam mong madalas na talagang tumulong ang best Darna ever sa mga tao kaya ang kanyang approach at questioning, ang focal point, grass roots level agad. Numbers ng mga tunay na apektado at location.

Alam na alam mong logistics at resources agad ang gustong i-address ni Angel at dapat makuha niya ang tamang datos at information para maikasa niya ang pinaplanong ayuda para sa mga apekatado ng pagngangalit ng bulkan.

Ang isa pang tunay na nakakalugod sa ginagawa ni Angel, hindi niya ito ginagawa dahil sa”publicity.” Bukal sa kaibuturan at puso niya ang pagtulong. Lagi nga siyang walang camera crew na kasama kapag ginagawa niya ang kanyang mga misyon.

Kaya sa gagawin mong muli para sa mga kababayan natin, saludo kami sa iyo.

Dos mukhang ‘di problemado

Matapos kung panoorin ang teaser clip kung saan ibinabandera at ibinabalandra ng ABS CBN ang kanilang mga programa pantelebisyon, pelikula at digital platform, parang wala naka-ambang problema ang numero unong network, huh.

Lahat ng mga biggest star na ka-Dos, may pangmalakasang offering na tiyak ikalulugod ng kanilang mga tagasubaybay.

Sa primetime dramas, sa true lang, nakakapukaw ng pagkamausisa ang “Kahit Minsan Lang,” kung saan ang babaing ang mantra sa buhay ay living well is my best revenge, si Bea Alonzo ang parang queen bee.

Ang mga bubuyog na nararahuyo sa kanya, andiyan lang naman sina Rafael Rosell, Jameson Blake, Christian Bables at Richard Gutierrez.

May bizarre love triangle kwento rin na “Love Thy Woman” kung saan ang magmamagandahan ay sina Kim Chiu versus Yam Concepcion over Xian Lim. Ang diva that you love, tanggap na si Yam ay maging kapareha ni Lim. Pero si Kimmy, ewan ko ha pero parang tinik siya sa aking dibdib. Charot! Hahahaha!

Hindi rin magpapakabog ang “Ligaya” na ang bida si Ivana Alawi na parang remake ng Rosanna Roces blockbuster movie hit, ang Carlos Siguion Reyna’s “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin.”

At may pangmalakasang pagsasama pa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa “Tanging Mahal.” May chikang kung wala na talagang extension ang “FPJ’s Ang Probinsiyano,” may chance daw na ito ang ipapalit sa timeslot na babakantihin ni Kuya Cardo.

Sa digital platform na IWant, interasado ako kung saan patungo ang magkakaibigang may HIV, ang pangalawang season ng “Batang Poz ,” ang parang thriller na “The Tapes” at ang scintillating “Sunday Night Fever” na maaring maglulkok muli kay Nathalie Hart sa pagiging Millennial Bomba Queen.

Sa pelikula naman, kumabog agad ang puso ko sa pelikula nina Paulo Avelino , Angelica Panganiban,Coco Martin, Daniel Padilla, Charo Santos Concio at John Lloyd Cruz.

Sa line up na ito, mukhang hindi nagpapalupig ang pag-asa ng mga taga-Dos/ABSCBN, huh!

Diane paborito si Regine

Maaaring hindi pa household name sa Pilipinas nating mahal ang mga kanta ni Diane de Mesa pero dapat natin siyang kilalanin, huh!

Bakit kaniyo? Kasi tunay na talented naman ang registered nurse mula sa Bay Area, San Francisco, USA na ang paglikha sa mga awit at kanta, kinakarir niya talaga.

Super fan siya ni Regine Velasquez. Chika ni Diane, “Noong nagsisimula kasi akong kumanta, sikat na sikat siya, pati ang mga kanta niya. Hanggang ngayon naman sikat pa rin siya. I love her songs kasi most of them ay ballads, tapos tungkol sa pagmamahalan.”

Personal heartbreaks o kaya mga experience ng mga taong malalapit sa kanya ang ginagamit niyang inspirasyon para sa sumulat ng mga kanta: “When you are broken hearted, ang sarap at ang daling mag-compose ng song. Also, pag in love ka rin, madali for me to capture through words the kilig that I feel and make it a song,” aniya pa.

Hindi rin pwedeng pagdabugan ng bangs si Diane de Mesa kasi nga ang kanyang mga kanta na maririnig sa Spotify, nakaka-200K streams at may more than 65K listeners. Iba talaga pag pulos original songs ang inilalako mo sa merkado, hindi ba naman?