Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angel walang babalikan sa Kapuso

0 179

Sa isang zoom interview, nagbigay ng kanyang saloobin si Angel Locsin sa isyu ng pago-ober da bakod ng mga dating Kapamilya artist.

Ani Angel, pinipili raw niyang manatili bilang Kapamilya dahil nasa ABS-CBN ang itinuturing niyang pamilya at mga kaibigan.

Dagdag pa niya, hindi rin daw niya maatim na iwan ang network na nagpala sa kanya sa panahon ng kinakaharap nitong pagsubok dahil sa pagkawala ng prangkisa.

“Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan ‘yong mga kaibigan o kapamilya. Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap ‘di ba?” ani Angel.

Feeling din niya, mas kailangan daw ngayon ng network ang kanyang loyalty.

“Habang may pinagdadaanan, hindi mo ‘yan iiwan kapag mahalaga sa’yo. Habang may pinagdadaanan ‘yong ABS-CBN, nandito lang ako,” paliwanag niya.

Kahit salat daw siya sa proyekto sa kasalukuyan ay kaya pa raw namang mabuhay ng kanyang pamilya.

“May kaunting investment. Kaya pa naman mag-survive ng pamilya ko doon. Sa ngayon, puwede naman tayong mag-YouTube, may mga endorsement,” hirit niya.

Wala namang nabanggit ang aktres kung may feelers siyang natanggap upang mag-switch ng networks.

Ilan namang mahaderang kibitzer ang nagsabing kung sakali mang magdesisyon ang aktres na lumipat ng istasyon ay wala na raw itong babalikan sa Kapuso network.

Matatandaan kasing naging kontrobersyal noon ang paglipat ni Angel from GMA-7 to ABS-CBN na hindi nagustuhan ng ilang Kapuso executives.

Mr. M binuking ni Sanchez

Bagamat noon pa napapabalita na nasa GMA-7 na ang dating Star Magic head na si Johnny Manahan at si Mariole Alberto, wala pa namang opisyal na pahayag dito ang kampo ng star builder at maging ang GMA-7.

Sa pagpasok nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Kapuso network, sinasabing malaking factor dito umano ang impluwensya ni Mr.M.

Kaya naman, hindi na nagtaka ang mga netizen nang ibuking ng broadcast journalist na si Korina Sanchez ang pagiging Kapuso ni Mr. M sa kanyang Instagram account .

“What a fun evening to cap a long and tiring day. A feast of food and laughter and no holds barred and, therefore, censored conversation with some of the movers and most interesting pillars of the industries: ABSCBN now GMA 7’s Johnny Manahan and Mariole Alberto, Viva’s Law Tan, Robinson’s Robina Gokongwei-Pe, veteran PR Guru Keren Pascual, Dreamscape’s Joel Mercado, ABSCBN’s Enrico Santos and Leo Katigbak, PEP’s dragon lady (haha) Joann Maglipon and Brightlight’s PatP Daza,” caption ni Korina.

Sey ng kibitzers, good as confirmed na raw ito dahil hindi naman isusugal ng TV host ang kanyang kredibilidad kung wala itong katotohanan.

Xian ramdam ang kirot

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Xian Lim ang gurlis na kanyang natamo habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo.

Ayon sa aktor, papunta raw siyang Tanay nang may ligaw na pakong sumabit sa gulong ng kanyang motor.

Nangyari raw ito habang dumaraan siya sa isang construction site.

Dahil sa nangyaring disgrasya, no choice raw siya kundi dalhin ang kanyang motor sa pinakamalapit na repair shop.

Kahit minor na galos lang ang kanyang tinamo, medyo ramdam daw niya ang konting kirot.

Hindi naman maiwasang magkomento ng ilang followers niya kaugnay ng insidente.

“Enemy No. 1 on the road. Minor repair. Take care, Xian.”

“Take care, Xi. Wag mo muna pang harabas Hayabusa mo.”

“Xian be extra careful cause your birthday is fast approaching.”

“What a bummer! Better stay off construction sites then… Ingat lagi Xi.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.